YNO Serenades Fans on Wish 107.5 Bus with Their Latest Single

Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat  ng kanta at pag-awit ang hilig ng Team Payaman vlogger na si Yow Andrada kasama ang kanyang bandang “YNO.”

Tunghayan ang pagharana ng bandang YNO sa kilalang musical radio station na Wish 107.5 bitbit ang kanilang pinakabagong hit single!

Heartfelt Performance

Sa paglabas ng kanilang bagong single ngayong taon, lalo pang umigting ang suporta ng mga tagapakinig ng bandang YNO. 

Maraming fans ang naka-relate sa temang dala ng kantang ‘Because’ na may temang tungkol sa emosyon, relasyon, at mga bagay na madalas hindi madaling sabihin.

Bukod sa recording, pinatunayan din ng banda na kaya nilang magbigay ng solidong live performance nang maanyayahan ang mga ito na umawit sa loob ng WishBus ng Wish 107.5 radio station.

Wish Bus Spotlight

Mas naging espesyal ang promo ng kanta nang bumida ang YNO sa Wish 107.5 Bus, kung saan live nilang inawit ang “Because” at isa ang paboritong awiting ng madla na “Hayaan.”  

Ang energy at feels ng kanilang live set, ramdam hanggang kalsada, making the performance one for the books! 

Samantala, marami ang bumati sa bandang YNO sa kanilang milestone bilang mga musikerong Pilipino.

Mark Joseph J. Mediona: “[Mga] idol!”

Richard Erk Cada: “Congrats!”

Nancy Cabrera Andrada: “Congrats!”

Darwin L Umpad: “Congrats mga lods!”

Mapapakinggan ang “Because” sa iba’t ibang digital streaming platforms tulad ng Spotify,  Apple Music, iTunes, YouTube, at YouTube Music. 

Likes:
0 0
Views:
11
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *