
Inspirasyon ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada sa kanyang vlog sa pamamagitan ng isang maikli ngunit makabuluhang mensahe para sa mga manonood.
Habang ipinapakita ang mga tanawin at alaala mula sa kanilang paglalakbay, tinalakay ang apat na payong maaaring maging gabay ng mga manonood sa araw-araw.
Four Habits to Quit
Sa gitna ng magagandang tanawin at masasayang alaala kasama ang kanyang mga matagal nang kaibigan sa paglalakbay sa Bohol at Siquijor, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang isang maikli ngunit makabuluhang vlog na puno ng inspirasyon.
Sa kanyang vlog, tinukoy ang apat na gawi na dapat iwasan upang magkaroon ng mas positibong pananaw sa buhay.
Una, iwasan ang patuloy na pagsisisi sa nakaraan at gawing aral ito upang makapagpatuloy. Ikalawa, huwag labis mag-alala sa hinaharap at sa halip ay magtiwala sa sariling kakayahang harapin ito.
Ikatlo, iwasan ang paghahanap ng kaligayahan sa ibang tao at alamin na nagmumula ito sa sarili. Panghuli, huwag maliitin ang sariling lakas at kakayahan dahil bawat pagsubok ay pagkakataon upang mas tumatag.
Matapos ang mga paalalang ito, makikita ang masasayang eksena ng samahan nina Kevin at ilang kapwa Team Payaman members sa Bohol at Siquijor, paalala na mas magaan ang buhay kapag natutong pahalagahan ang kasalukuyan.
Netizens’ Comments
Samantala, ilang netizen ang nagpaabot ng pasasalamat at nagsabing nakatulong sa kanila ang mensaheng ibinahagi sa vlog.
@YCKLCRPZ: “Always grateful to be part of that 1%… always in all ways everyday.”
@michellerosetorres: “Thank you. [I] badly need this right now.”
@whatdarylldid: “Thank you, kuya Kevs!”
Watch the full vlog below:
