
Sa ika-apat na episode ng kanyang YouTube vlog series na “Kumusta,” ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang hindi inaasahang samahan na nabuo sa pagitan niya at ng kanyang mga kaibigan.
Tunghayan ang kanilang masayang biyahe sa Bohol—isang karanasang hindi lang tungkol sa lugar kundi pati na rin sa mga taong hindi inaasahan ngunit piniling manatili.
Travel with Friends
Sa kanyang vlog, isa-isang ipinakilala ni Kevin Hermosada ang kanyang mga kaibigan at kapwa content creators gamit ang mga kwelang bansag na tumutugma sa kani-kanilang personalidad.
Unang ipinakilala si Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino, na tinawag niyang “Founder” ng grupo dahil madalas itong mag-aya sa mga lakad.
Sumunod si Clouie Dims, ang tinaguriang “Ring Light Master” na bigla na lang naging close sa kanya.
Si Kevin Hufana naman ang tinagurian n’yang “Muse” na dati raw ay sobrang iniidolo siya sa inuman, habang si Eve Marie Castro ay ang “Madame President” na bihira man nilang makausap ay ramdam naman ang malasakit.
Sunod ang iba pang miyembro ng barkada tulad ni Cedric Sunga, a.k.a. Igme, ang “Ilocanong tiga-South,” si Jopearl Abad bilang “Pambansang SZA ng Pelepens,” at ang tandem na sina Stephanie Maureen Anlacan, a.k.a Mau, at Carlo Miguel Odtuhan, a.k.a. CM, na tinaguriang “Jhong Hilario ng Pinas” at “Di-yan Wrestler.”
Si Aaron Macacua, a.k.a. Burong, at Aki Angulo-Macacua naman ay sumisimbolo ng good vibes at ate energy para kay Kevin. Panghuli ay ang kanyang asawa na si Abigail Campañano-Hermosada, a.k.a. Abby, na tinawag niyang “BINI Jhoanna ng Taguig.”
Sa ikalawang bahagi ng vlog, isinama ni Kevin ang kanyang mga manonood sa isang hindi planadong biyahe papunta sa probinsya ng Bohol.
Nagsimula ang trip sa paglapag nila sa Panglao, at kinabukasan ay agad nilang binisita ang ilang kilalang destinasyon tulad ng Chocolate Hills, Tarsier Conservation Area, Man-Made Forest, Loboc River, at Baclayon Church.
Bukod sa mga tanawin, nagbahagi rin si Kevin ng personal na saloobin—kung paanong ang mga lugar na dati’y nakikita lang niya sa libro ay unti-unti na niyang nararating.
Sa huli, binigyang-diin ni Kevin ang halaga ng pananampalataya at pagkakaibigan. Ayon sa kanya, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at ugali, may mga taong dumarating sa buhay na hindi inaasahan pero sila pa ang nagiging pundasyon ng matibay na samahan.
“Kung sino pa yung hindi mo aakalain, sila pa ang nakakapagbigay ng surprising friendship na meron kayo ngayon,” ani Kevin sa kanyang vlog.
Netizens’ Comments
Samantala, bumuhos ang papuri mula sa mga manonood na naantig sa kwento at sa pagkakalahad ng vlog ni Kevin.
@suzaneobando2021: “Ganda ng vlog mo, Kevin. Sobrang informative and entertaining. No dull moments talaga. The wisecrack, salute!”
@mondays25: “Ang sarap panoorin, kuys [Kevin]. Ang calming at genuine as always. Ramdam ‘yung puso na nilalagay mo sa pag-eedit at paggawa nito.”
@Shiro-vj8by: “Iba ka talaga gumawa ng storya! Panalo ka, Baldo! Waiting for the next one. Isa ikaw sa nag-inspire sakin na gumawa ng video sa mga lugar na pinupuntahan ko not for views but for the memories!”
Watch the full vlog below:
