Viy Cortez-Velasquez Gets Pranked in Her Own “Fortune Teller Prank” Vlog

Sa panibagong vlog ni Viy Cortez-Velasquez, muling ipinamalas ng Team Payaman vlogger ang kanyang husay sa pagpaplano ng prank.

Sa tulong ng kanilang kinuhang karakter, matagumpay niyang naisahan ang ilan sa kanyang kapwa TP members.

The Prank

Sa kanyang recent vlog, inisa-isa ni Viy Cortez-Velasquez ang kanyang mga kasamahan sa loob ng Congpound para sa kanyang plinanong ‘Fortune Teller’ prank.

Gamit ang isang hired actress na si Mrs. Carla Zarcal bilang huwad na manghuhula, matagumpay nilang naisakatuparan ang prank na puno ng nakakatawang hula at pagsasabwatan.

Sa tulong ng hidden earpiece at radio communication, tahimik na pinangunahan ni Viviys ang bawat galaw ni Mrs. Carla habang nasa isang hiwalay na silid.

Isa-isang pinaupo kasama ang fortune teller ang mga biktima kung saan hindi nila sila ay biktima na ni Viviys.

Hindi lang basta hula ang ginawa kundi sinabayan pa ito ng drama, nakakatawang prediksyon, at mga “rebelasyon” na halos ikaluha ng ilan sa kanila.

Ang unang nabiktima ay si Vien Iligan-Velasquez, na agad na napaniwala sa seryosong pagtitig at mabibigat na pahayag ng manghuhula. 

Sunod namang iniharap si Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy, na inakusahang may mabigat din na enerhiya at binalaan na posibleng magkaroon ng rabies. Ibinunyag din na hindi siya bumalik sa doktor matapos makagat ng aso, bagay na lalo niyang ikinabahala. 

Hindi rin nakaligtas ang asawa ni Viviys na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, na nagulat nang mahulaan ang kanyang arthritis. Nang banggitin ng huwad na manghuhula na maiiwan siya ng asawa, hindi ito nakitaan ng pag-aalala. Sa kabila ng tensyon, nanatiling kampante si Cong sa pagmamahalan nila ni Viy. 

Kasama rin sa mga nabiktima si Aaron Macacua, a.k.a. Burong, na halos maiyak sa pangambang mapuputol ang kanyang kamay kung hindi siya magpa-iniksiyon para sa anti-rabies. Naisahan din si Pat Velasquez-Gaspar, na pinaniwalaang mayroong anak sa sinapupunan at pinayuhang magtinda ng okra bilang solusyon sa kanyang problema.

Samantala, si Carlos Magnata, a.k.a. Bok, ay sinabihang makukulong at kailangang tumahol gaya ng aso upang maiwasan ang malas. Si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, naman ay pinayuhang ihinto ang pagpapagawa ng bahay at pinapa-ikot pa ang kamay bilang bahagi ng umano’y ritwal.

Reverse Prank

Matapos ang sunod-sunod na matagumpay na prank sa kanyang mga kasamahan, hindi inaakala ni Viviys na siya pala ang magiging huling “biktima” ng kanyang Fortune Teller Prank.

Sa tulong ni Cong TV na siyang utak sa likod ng prank, binaliktad ng ibang miyembro ng Team Payaman ang sitwasyon at pinaniwala si Viy na may malalang nangyayari sa kapwa TP member na si Steve Wijayawickrama.

Habang akala ni Viy na si Steve ang kanyang bibiktimahin, lingid sa kanyang kaalaman na siya pala mismo ang puntirya ng prank na inihanda ni Cong.

Sa kalagitnaan ng tensyon, inamin na ng Team Payaman ang kanilang isinagawang prank. Makikita sa vlog ang behind-the-scenes clip kung saan pinlano ni Cong TV ang lahat. Pinili nilang si Steve ang huling “manghihina” upang mas maging kapani-paniwala ang prank.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
49
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *