
Isang bagong achievement na naman para kay Baby Isla matapos nitong mapagtagumpayan ang unang cycle ng kanyang homeschool learning.
Tunghayan ang mga tagumpay at awards na natanggap ni Isla na proud na ibinida ni Mommy Pat sa isang short vlog update.
Congrats, Isla!
Proud na ibinida ng soon-to-be mom of two na si Pat Velasquez-Gaspar ang tagumpay ng kanyang young achiever na si Isla Patriel Velasquez Gaspar.
Ipinakita ng proud mom ang mga awards ni Isla, kasama na ang certification of participation para sa matagumpay na pagtatapos ng Cycle 1 with outstanding performance.
Bukod pa diyan, kinilala rin siya sa iba’t ibang homeschool activities bilang Awesome Artist, Good Listener, at Passionate Learner ng kanyang Teacher Faye.
Proud Moment for the Family
Ayon sa assessment ng kanyang teacher Faye, may angking galing si Isla pagdating sa socio-emotional development, motor development, cognitive development, at language development.
Mula sa pakikinig, pakikipaglaro, at pagsunod sa kanyang guro, talaga namang ilang very goods ang natanggap ni Isla hindi lamang mula sa kanyang Teacher Faye, kung hindi pati na rin sa proud parents na sina Mommy Pat at Daddy Keng.
Bilang pagdiriwang at pagbati sa tagumpay ni Isla, ipinahatid ni Mommy Pat ang kanyang mensahe kay Kuya Isla.
“Congrats my Isla! Para kaming nakapag-pagraduate mag-asawa. So proud of my little one for completing homeschool cycle 1. On to the next learning journey.” Dagdag pa niya, “para kaming nakapag-pagraduate ng college sa saya!”
Samantala, ipinahatid din ng mga taga-suporta ng Team Velasquez-Gaspar ang kanilang pagbati para kay Isla.
Carmina Marasigan: “Congrats Isla!”
Ara Gonzales: “Congrats Isla!”
Evelyn Cortez Mendoza: “Congrats Isla!”
Marika Mendoza Macatangay: “Good job Islaaaa!!! What a smart little boy!”
Mei Mashood-Columna: “Congratsss Kuya Isla!”
