Doc Alvin Explains The Real Deal Behind Barbie Hsu’s Health Condition

Nagluksa ang industriya ng entertainment sa pagpanaw ng Taiwanese aktres na si Barbie Hsu, na sumikat bilang Shan Cai sa “Meteor Garden” a edad na apatnapu’t walo dahil sa komplikasyon sa baga.  

Upang linawin ang totoong dahilan ng pagpanaw ng aktres, personal itong ipinaliwanag ng resident Team Payaman medical expert na si Doc Alvin.

RIP, Barbie Hsu

Pebrero 2, 2025 nang magulat ang lahat sa balita ng pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu, o mas kilala sa kanyang all-time hit role na Shan Cai sa edad na 48.

Ayon sa mga balita, namaalam ang sikat na aktres matapos nitong makaranas ng pneumonia, isang malubhang komplikasyon sa baga, nang lumipad siya patungong Japan upang ipagdiwang ang Chinese New Year.

Kaliwa’t kanan ang simpatya hindi lamang mula sa kanyang mga mahal sa buhay, kung hindi pati na sa mga taga-suporta nito mula sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Pneumonia: Symptoms, Causes, & Prevention

Sa kanyang bagong vlog, Ibinahagi ng med vlogger na si Doc Alvin Francisco ang kahalagahan ng pag-unawa sa pneumonia, na siyang dahilan ng pagpanaw ng sikat na Taiwanese actress.

Tinalakay din niya ang Community-acquired Pneumonia (CAP) at kung paano ito madalas makuha sa mga mataong lugar tulad ng selebrasyon, sa airport, at open spaces.

Pinaalalahanan ni Doc Alvin ang mga manonood sa sintomas ng pneumonia, tulad ng patuloy na pag-ubo, lagnat, panghihina ng katawan, pananakit ng kasu-kasuan, pananakit ng dibdib, at laging pagkapagod. 

Payo ni Doc Alvin, mahalaga ang pagkakaroon ng kumpletong bakuna, pagtatakip ng ilong at bibig kapag bumabahing o umuubo, at regular na paghuhugas ng kamay. 

Dagdag n’ya pa, mahalaga rin ang pagiging aktibo sa pag-eensayo, pag-iwas sa pagpupuyat at pagkakaroon ng balanseng pagkain para mapanatili ang malusog na immune system.

Kung sakaling nakakaranas ng hirap sa paghinga, paalala rin ng TP doctor na huwag kalimutan uminom ng mainit na sabaw at tsaa upang matulungan ang pagnipis ng plema sa lalamunan at baga.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, hinikayat ni Doc Alvin ang lahat na maging maingat sa kalusugan, maging alerto sa mga sintomas ng Pneumonia, at kumonsulta agad sa doktor kung kinakailangan.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
49
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *