Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na pagbuntis nina Viy Cortez-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar.
Alamin ang kwento sa likod ng kanilang “synchronized pregnancy” at iba pang usapang pagbubuntis at paghahanda ng soon-to-be parents of two.
Planned Pregnancy
Sa bagong episode ng Offbeat serye ni Viy Cortez-Velasquez, tampok ang hipag nitong si Pat Velasquez-Gaspar, Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng at asawa nitong si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
Isa sa mga napag-usapan ng expecting parents ay ang pagtupad ng mga ito sa kanilang plano na magbuntis ngayong taon.
Naikwento ni Pat na matagal na ring hinihiling ng asawa nitong si Boss Keng na sundan na ang kanilang panganay na si Isla Patriel.
“Sundan na natin si Isla para isang hirapan na lang,” ani Boss Keng kay Pat.
Nabanggit rin ni Viviys na noon pa man ay inaya na nitong magbuntis ang hipag na si Pat upang sabay silang manganak.
“Ang pinaka-istorya kung bakit halos sabay kami [mag-buntis] kasi planado po talaga s’ya. Hindi na kami nagkagulatan na mangyayari ‘to,” kwento nito.
Isa rin sa mga ikinakagalak ng Team Payaman parents ay ang patuloy na pagdami ng mga bata sa Congpound.
“Lima na ang bata dito, ngayon may dadagdag na dalawa next year!” ani Viviys.
Laking pasasalamat rin ng mga preggy moms sa kanilang mga partners dahil sa tyaga ng mga ito sa pag-aalaga at pag-intindi sa kanilang pregnancy blues.
“Feeling ko kaya ganito tayo sa mga asawa natin kasi sa kanila lang tayo nakakapaglabas ng walang judgement. Kapag buntis ka sa totoo lang, mataray ka, emotional, medyo masama ang ugali, [pero] naiintindihan nila!” kwento ni Pat.
Agad na sumang-ayon naman si Viviys: “Tsaka ‘yung comfort, makukuha mo sa kanila!”
Realities of Parenthood
Isa rin sa mga pinag-usapan ng Team Payaman power couples ay ang reyalidad at mga responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang magulang.
Binigyang liwanag din ng mga ito ang kanilang nararamdaman na “mom guilt” para sa kanilang mga panganay sa pagdating ng kanilang new baby.
“May mga guilt na tayo na ‘Paano ‘yan, ‘yung mga panganay natin? Hindi na natin maaalagaan?’” tanong ni Viviys.
Sinisiguro naman ni Mommy Pat na patuloy siyang nagpapalakas at tinutulungan ang sarili upang mas lalo pang maaalagaan ang kanyang mga anak.
“Ang ginawa ko, dahil ayoko mangyari ‘yon, nagpalakas ako. Kumain ako ng gulay, tapos nag-workout ako na pwede sa buntis,” aniya.
Sangayon naman ang kanyang Kuya Cong sa pagpapalakas ng katawan upang masabayan sa mga aktibidad ang mga anak.
“Maggy-gym ako ulit, napupusuan ko ulit kasi nasa moment ngayon si Kidlat na kailangang kailangan n’ya ako eh bilang tatay n’ya,” pagbabahagi ni Cong.
Naibahagi nito ang ilan sa kanilang mga naging karanasan at natutunan pagdating sa pagiging isang magulang sa kanilang mga panganay na sina Isla at Kidlat.
Mayroong sistema sina Viviys at Cong na kung saan nagsisilbing disciplinarian ang ama, at taga-amo naman ang ina pagdating kay Kidlat.
Netizens Reactions
Marami naman ang natuwa sa pag-usbong ng Team Payaman mula sa pagiging mga vloggers hanggang sa pagiging mga magulang.
@gladz0016: “Ang saya ng gantong usapan pag tungkol sa mga anak, pagiging magulang… Ang daming nakaka-relate”
@randomnameidontknowwhattow2743: “Seeing how Cong and Pat were raised made me realize the powerful impact of breaking generational curses. This approach embodies how a healthy family should be nurtured—creating an environment where positive values are passed down. When a family builds a strong foundation, it shapes individuals with good character.”
@asmodeusiii3198: “First time ko mag cocomment as a silent viewer pero gusto ko lang talaga sabihin na sana ituloy nyo yung ganto ate Viy kasi very informational and very true to life to the point that people could learn a thing or two sana marami pang gantong content!”
Watch the full vlog below: