Must-Do Activities in Bangkok, Thailand According to Clouie Dims 

Ipinasilip ng Team Payaman content creator na si Clouie Dims ang kanilang adventure sa Bangkok, Thailand, kasama ang pamilya ng kanyang nobyo na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang.

Sa bagong travel vlog ni Clouie ay nagbahagi siya ng mga pangunahing lugar na maaaring puntahan at aktibidad na maaaring gawin ng mga nagnanais bumisita sa nasabing bansa. 

The Ancient City 

Maalalang nitong nakaraang Pebrero lamang ay bumisita si Clouie sa Thailand kasama ang ilang miyembro ng Team Payaman Wild Cats. Ngunit kabaligtaran ng napakainit na klima noon, ngayon ay sinalubong sila ng maulang panahon.

Isa na sa kanilang binista ay ang The Ancient City o Muang Boran sa Samut, Prakan, Thailand. 

Kwento ni Clouie, ito ay tinagurian bilang “World’s Largest Outdoor Museum” sapagkat ito ay binubuo ng halos dalawang ektarya ang laki na kasinghugis ng Thailand.

Dagdag ni Clouie, maaari naman itong ikutin sa pamamagitan ng paghiram ng golf cart o bike, at maaari rin namang lakarin, ngunit hindi aniya ito kakayanin ng isang buong araw. 

Kahit umaambon o inabot ng gutom, tila “A very beautiful place” na lang ang nasambit na review ni Dudut sa nasabing lugar.

Erawan Museum

Matapos maglibot sa isang Ghost Museum at magpakabusog sa lunch buffet, ang isa pang lugar na kanilang binisita sa Samut, Prakan ay ang Erawan Museum.

Isa sa mga sa sikat na dinadayo ng mga turista sa lugar na ito ay ang “Purnaghata.” Dito ginagawa ang pagbubuhos at pagpapalutang ng isang mangkok ng bulaklak o ng lotus bowl na sumisimbolo sa pagpapayabong ng buhay.

Ginagawa ito kasabay ng pagsisindi ng kandila, pagpapatunong ng kampana, at taimtim na pagdadasal na higit na epektibo para sa mga turistang may mga hinihiling o ninanais makamit sa buhay.

Bangkok Elephant Park

Huli naman sa ibinahagi ni Clouie ay ang karanasan nila sa Bangkok Elephant Park sa Krathum Rai, Nong Chok, Bangkok, Thailand.

Dito ay naranasan nilang magsuot ng Thailand outfit at boots. Naranasan din nilang gumawa ng sikat na produktong inhaler sa bansa, at maghanda ng pagkain ng mga elepante. 

Bukod dito, nakipagkulitan at nakipagsayawan din sila sa mga elepante sa lugar, at sinubukan ding paliguan ang mga ito.

Abangan ang susunod pang mga kabanata ng kanilang Thailand trip sa YouTube channel ni Clouie.

Watch the full vlog here: 

Likes:
0 0
Views:
240
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *