Farm Day: Pat Velasquez-Gaspar Gives Netizens Quick Update About Velasquez Farm

Isa ka rin ba sa mga Team Payaman fans na nais makibalita sa estado ng munting farm ng Velasquez Family sa Silang, Cavite?

Pwes, sagot na ni Pat Velasquez-Gaspar ‘yan sa isang pangmalakasang update mula sa kanilang nabiling lupa sa Silang na ngayon ay nagsisilbing farm sa pangangasiwa ng kanilang mga magulang na sina Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout at Jovel Velasquez, a.k.a Mama Jo. 

Velasquez Farm

Dahil busy sa trabaho ang mister na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, minabuti ni Pat na bisitahin ang kanilang farm kasama ang unico hijo na si Isla Patriel.

Kwento ni Pat, taong 2022 nang bilhin ng magkakapatid na Velasquez ang nasabing lupain sa Silang, Cavite. Ito aniya ay nagsilbing investment nila mula sa mga kinita sa YouTube noong kasagsagan ng kanilang kasikatan.  

Dahil hindi pa ito agad patatayuan ng kani-kanilang bahay, minubuti ng mga magulang nilang gawin itong munting farm upang mapakinabangan ang nasabing lupa. 

Sa ngayon aniya ay matatagpuan na rito ang iba’t ibang pananim gaya ng saging, sili, talong, okra, sitaw, ampalaya, papaya, kalabasa, pipino, at iba pa. 

Linggo linggo ay binibisita ito ng kanilang mga magulang upang mag-ani ng mga nasabing gulay na kanila ring dinadala sa mga anak sa Congpound. 

Samantala, ibinahagi rin ni Mommy Pat na plano na nila ni Boss Keng na simulan ang pagpapatayo ng bahay sa nasabing lupa ngayong taon. 

“Yung bahay na gusto naming i-build ni Keng, ano talaga siya, child-friendly. Dahil bata pa si Isla at magkakaroon pa siya ng mga kapatid, gusto ko talaga ang itatayo naming bahay ay place para sa kanila.”

Mavs Farm

Bukod sa mga pananim ay matatagpuan din sa nasabing farm ang munting manukan ni Papa Shouout. 

“Maraming tanim si papa, maraming animals. Marami siyang manok dito, yung mga manok na ‘yun, binebenta niya ‘yun,” kwento pa ni Pat. 

Ayon naman sa Padre de Pamilya ng mga Velasquez, ang pag-aalaga ng manok ay nag-umpisa lang bilang libangan, ngunit dumami aniya ang mga ito kaya’t naisipan niyang ibenta. 

Para sa mga interisado sa mga binebentang manok ni Papa Shoutout, bisitahin lang ang Facebook page na MAVS FARM.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
264
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *