Isa sa mapaminsalang panapos ng tag-init sa Pilipinas ngayong taon ay ang hagupit ng Bagyong Carina ngayong Hulyo.
Muli, hindi naman pinalagpas ng VIYLine Group of Companies CEO na si Viy Cortez-Velasquez ang taos-pusong inisyatibo na tumulong sa mga nangangailangan.
Reaching out to partner brands
Upang mas makapagpa-abot ng tulong sa iba, hindi nag-atubili ang Team Payaman vlogger at entrepreneur na humingi ng pabor sa ilan sa kanyang mga partner brands kagaya ng AllDay Supermarket, Moose Gear, at Tiny Buds.
Sa isang Facebook post noong July 24, ibinahagi ni Viy ang kanyang pasasalamat sa mga nasabing brands kasama ng ilang screenshots ng kanyang pakikipag-usap sa mga ito patungkol sa pandagdag sa kanyang ipahahatid na donasyon.
“Thank you AllDay Supermarket, Moose Gear, Tiny Buds fam. Ang Ahavah Ministry Philippines po ang mag bibigay po ng mga ito,” ani Viy sa kanyang post.
Ahavah Ministry Philippines
Tumugon din si Viy sa isang netizen na nag-iwan ng komento patungkol sa kusang pagpapa-abot ng tulong sa mga nangangailangan mula sa mga content creators kagaya niya.
Komento ng isang netizen: “Sana po bilang isa sa mga maimpluwensiyang content creator makapagpasimuno po kayo kasama ng mga kaibigan n’yong kapwa content creator or celebrities na makatulong sa mga nasalanta ni Carina. Happy birthday po!”
Ang sagot naman ni Viy sa kanya: “Meron po kami. Hindi lang po kami ma-post pero may mga ginagawa po kami.”
“‘Di kasi sila ma-post ng mga gantong eksena, rekta kilos sila, at alam ‘yun ng mga tunay,” ang komento naman ng isang taga-suporta.
Isa nang patunay dito ang pagtulong ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez, pati na rin ng Team Payaman members sa Ahavah Ministry Philippines na pinapangunahan ng kaibigan at Team Payaman member din na si Adam Navea.
Maalalang nagpahatid din si Viy ng tulong, kasama ang Ahavah Ministry Philippines, sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng noong taong 2022.
Read related article here: https://mediagroup.viyline.net/2022/11/02/paengph-team-payaman-teams-up-with-ahavah-ministry-philippines-heres-how-you-can-help
“Thank you for all the love and support. We will extend all of your donations to those in need,” ang post ng Ahavah Ministry PH.
Nagbahagi rin naman ng update si Adam sa kanyang Facebook post nitong July 25 ng umaga kung saan pinasasalamatan niya ang mga nagpahatid ng tulong gaya ng Team Payaman, Y Kulba, DK Moto Shop, Kombathrone, at iba pa.
“I’d like to report po sa lahat ng nag donate na, nai-deliver na po ang mga donation po nyo kagabi. 2nd batch po mamaya. Thank you daw po sa mga nag donate at nag volunteer mag repack sabi ng mga nakakuha po ng relief pack nyo po,” ani Adam.
Ang nasabing organisasyon ay bukas pa rin sa kahit anong anyo ng tulong, lalo’t higit sa panahong ito.