Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB Suarez matapos nitong makasama ang tinaguriang “Antikamote Nutritionist” at food vlogger na si Dudut Lang ng Team Payaman.
Bago pa man siya makilala bilang isa sa mga paboritong food creators sa bansa, ikinuwento ni Dudut ang kanyang “fake it ’til you make it” mentality simula pa noong siya ay nag-aaral sa kolehiyo.
“Maging totoo ka lang, huwag mong pilitin para hindi mahirap kasi gusto ko ‘yung madaling trabaho eh… Ayokong mag-pretend. ‘Pag may pinapangalagaan kang character, ang hirap eh.”
Sa gitna ng tawanan, naging seryoso at emosyonal ang usapan nang matalakay ang pagwawakas ng kanyang 11-taong relasyon sa dating kasintahan.
Sa kabila ng pangamba at mga tanong ng kanyang pamilya at mga kaibigan noong panahong iyon, pinili niyang manatiling tahimik at ituon ang atensyon sa pagpapagaling ng sarili.
Nang tanungin kung out of respect ba sa 11 taon ang kanyang pananahimik sa publiko, ito ang kanyang direktang sagot:
“Hindi siya respect para doon sa kabila, respeto sa sarili ko talaga. Respeto sa sarili ko… I will not give you the dignity, the satisfaction of [seeing me down]. Hindi mo ako makitang umiiyak.”
At nang hingan siya ng maikling mensahe para sa kanyang ex sakaling nanonood ito, isang makahulugang paalala ang kanyang iniwan:
“Lagi mo lang tatandaan ‘yung mga huling bagay na sinabi ko sa ‘yo… At sana ‘yung pinakaunang bagay na sana natutunan mo para mas naging maayos ‘yung takbo ng ano natin, eh sana matutunan mo ngayon.”
Umabot din ang kulitan sa mga rebelasyon tungkol sa Team Payaman, kung saan hindi nakaligtas ang kanyang mga matatalik na kaibigan na sina Burong at Chino.
Nang tanuungin kung sino ang pinaka-KJ sa mga trip sa vlog, “Si Burong. Ayaw niya talaga nung ano, kasi kadalasan nung mga trip namin eh mga sakitan… Si Burong ayaw talaga niya, siya talaga ‘yung umiiwas.”
“Si Chino… parang sinabuhay niya ‘yung pagiging matapang niya. ‘Yun lang din. Walang lugar,” pabirong sagot ni Dudut nang tanungin kung sino ang pinakamagaspang ang ugali.
Panoorin at pakinggan ang buong episode ng Galit-Galitan Podcast sa YouTube at Spotify para sa buong kwentuhan kasama si Dudut Lang!
Watch the full vlog below:
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
This website uses cookies.