Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina Cong TV at Junnie Boy upang humingi ng fatherhood advise.

Alamin ang ilang mga payong hatid ng magkapatid na Velasquez pagdating sa pagiging hands-on daddies.

DADBAYS

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Kevin Hermosada ang huling yugto ng kanyang paghahanda bago ipanganak ng misis niyang si Abigail Hermosada ang anak na si Austin Cray.

Excited na ibinahagi ng dalawa na isang buwan na lang ang kanilang hinihintay at sasalubungin na nila ang kanilang unang supling. Ginugol na rin ng dalawa ang panahon na ito upang simulan na ang pagne-nesting.

Nakahanda na rin ang mga newborn essentials ni Austin kagaya ng diaper, baby wipes, maging ang mga susuotin niya sa kanyang unang araw.

Bukod sa baby essentials, isa rin sa inihahanda ni Daddy Kevin ay ang kanyang sarili bilang first-time parent kung kaya’t sumangguni siya sa kapwa TP members na sina Cong TV at Junnie Boy.

Taas noong sinagot ng magkapatid ang mga tanong na hatid ni Kevin pagdating sa panganganak ng kanyang asawa.

“Maraming kaba [kang mararamdaman] pero, ang magpapawala ng kaba mo ay ‘yung tinatawag na ‘paghahanda,’” payo ni Cong sa kaibigan.

Nilinaw muli ni Cong na kinakailangang handa si Kevin sa lahat ng aspeto kabilang na ang pera, physical, at mental health nito.

“Lahat ng ally! Financially, emotionally, physically, mentally,” dagdag ni Junnie.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagagalak sa panganganak ni Abi at nagpahatid ng kanilang pagbati para sa mag-asawa.

@bachichaytv: “This baby is like Alex G’s baby, we online ninongs and ninang once prayed for and we’re happy na finally nasa stage na kayo ng getting ready sa panganganak nya. Ms Abby, be brave and ang ma ti tip ng isang mommy na may apat na anak here is…. pray and sundin mo lang lahat ng sasabhin ng OB at midwife mo, less drama less pain mas mabilis lalabas si baby.”

@ricekick: “Congrats Abby and Kevs! Sinasabi ko lang, pag dumating na baby nyo, iiba and paningin nyo ng mundo. At dun magsisimula na wala kang di kayang gawin para sa asawa at anak mo. Ang sarap ng feeling. Good luck kaya nyo yan guys!”

@khashmontaner: “Maganda mga questions ni Kevs at maganda din mga answer nila Junnie at mossing Cong TV very informative for the future dads out there. Pwede for podcast topics.”

@wagnamaglagayngusername: “Ang ganda mabuntis ni Abi! Halatang hindi pinababayaan ng partner. Ang swerte ni Austin na kayo ang parents niya. Wishing you a safe and smooth delivery, Ms. Abi!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

2 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

3 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

4 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

4 days ago

This website uses cookies.