Puno ng pasasalamat na ibinahagi ng Team Payaman chef at food content creator na si Ryan Morales Reyes, a.k.a. Ninong Ry, ang pagdating ng kanyang ikalawang anak na si Baby Rafa.
Sa kanyang Facebook post, ipinakilala ni Ninong Ry sa kanyang mga tagasubaybay ang kanyang bagong silang na anak sa pamamagitan ng ilang larawang kanyang ibinahagi.
“Ang bago niyong kinakapatid! Welcome to the world, Baby Rafa!” ani Ninong Ry.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Ninong Ry sa Asian Hospital and Medical Center, gayundin sa mga doktor, nurse, at iba pang staff na naging bahagi ng panganganak ng kanyang longtime partner na si Belle Cruz.
Bukod dito, ipinahayag din ni Ninong Ry ang kanyang pasasalamat dahil ligtas at malusog ang kanilang bagong silang na anak.
“Panginoon, maraming maraming salamat po at healthy ang aming baby!” dagdag niya.
Kasunod ng kanyang post, bumuhos ang pagbati ng mga netizens para sa kanilang pamilya, habang napansin din ng ilan ang pagkakahawig umano ni Baby Rafa sa kanyang ama.
Ivan Orbeso: “Pucha, kamukhang kamukha mo, Ninong!!! Congrats!!!”
Rni Mcalinao: “So, kinakapatid namin lahat ‘yung anak mo, Ninong Ry? Hahaha! Congrats!”
Erik Garcia: “Newborn pa lang, naghihingi na ng perfect bite! Congrats, Ninong Ry!
Kythe Foundation: “Sending our warm congratulations to your family, Ninong Ry! Welcome to the world, Baby Rafa!”
Ernesto Caluya: “Congrats, Ninong and Family!!! Ninong na ninong ang mukha ni Rafa!”
Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…
In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
This website uses cookies.