Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang Team Payaman member na si Kha Kha Villes sa mga taong naging sandigan niya sa isa sa pinakamahirap na yugto ng kanyang buhay.

Team Payaman’s Support

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Kha Kha ang mga kaibigan at kapwa miyembro ng Team Payaman na agad nagpaabot ng suporta, panalangin, at pagdamay matapos niyang ibahagi ang kanyang pinagdaraanan.

Makikita sa kanyang post ang mga mensahe ng pag-aalala mula kina Cong TV, Viy Cortez-Velasquez, Vien Iligan-Velasquez, at iba pang miyembro ng Team Payaman, na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob at nagpabatid na hindi siya nag-iisa.

“Salamat, Lord, sa mga taong ‘to na palaging nandiyan para sa akin. Sa panahon na hindi ko alam kung paano ko kakayanin, sila ‘yung patuloy na nag-aalala, nagdarasal, at nagpaparamdam na hindi ako nag-iisa. Thank You, Lord, for giving me these people,” ani Kha Kha.

Naglaan din si Kha Kha ng espesyal na pasasalamat kina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez para sa suportang ibinigay ng mag-asawa sa kanya.

“Gusto ko lang magpasalamat sa mag-asawang Viy Cortez-Velasquez at Cong TV. Hindi ko alam paano ko kayo pasasalamatan, pero alam ni Lord kung gaano kabuti ang puso n’yo at kung gaano kalaking support ang binigay n’yo sa akin financially,” pahayag niya.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ring netizens ang nagpaabot ng panalangin, pakikiramay, at mga mensahe ng suporta para kay Kha Kha at sa kanyang pamilya.

Cheng Reign: “Virtual hug, Ate kha. Alam ko ‘yung feeling na mawalan ng baby, kapit lang tayo kay Lord at mag tiwala sa Kanya. Ibabalik niya din si baby sayo in the right time.”

Ang AryAn: “Praying for the three of you, Ate Kha. Hugs!”

Cheng Invina: “You are blessed with those people around you. Keep fighting, Kha. Maybe it’s not yet the time but I’m sure in God’s perfect time, ibabalik Niya sayo ‘yan! ‘Yung mas strong and ready ka na. God bless you!”

Angelica Sarte

Recent Posts

3 Reasons B1T1 Takeaway Coffee is the Ultimate Fuel for Busy Mornings

Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…

7 hours ago

Luxury in a Cup: How B1T1 Takeaway Coffee Bridges Quality and Everyday Pricing

In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…

1 day ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

3 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

4 days ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

4 days ago

This website uses cookies.