May hatid na pasilip ang former Team Payaman editor na si Agabus Maza sa kanyang buhay bilang freelance videographer.
Tunghayan ang mga kwela at nostalgic work moments ni Aga kasama ang ilang Team Payaman members.
Kilala si Agabus Maza bilang isa sa mga former Team Payaman videographer at editor na ngayo’y parte na ng freelance production group na Tenfour Productions.
Isa sa mga inaabangan ng kanyang mga manonood sa TikTok ay ang kanyang ‘Life of Aga’ serye na nagpapakita ng mga tagpo sa kanyang trabaho.
Sa ikalimang episode ng nasabing serye, ibinahagi ni Aga ang mga naging kaganapan sa nagdaang Tiny Buds Kids x Kidlat launching sa SM Center Muntinlupa.
Ipinasilip niya mula sa paghahanda ng kanyang mga equipment hanggang sa pagkuha ng mga highlights sa nasabing event.
Nakasama rin niya si Junnie Boy na buong galak na nakisaya sa LOA series ni Agabus.
“LOA na ‘yan? May oras kasi ‘yun diba? 2:31 PM, nagkita kami ni Aga!” biro ni Junnie.
Matapos ang ilang oras ng pagtatrabaho, sumama si Aga sa kanyang former Congpound housemates sa isang early dinner.
“Life of Aga!” ani Kidlat.
Pagbalik sa Congpound ay nagkaroon din ng mini bonding sina Cong, Locar, Aga, at Eph na dating mga editors ng Team House G.
Isang masayang Samgyup midnight food trip naman ang handog ni Cong para sa tatlo kung saan sinamahan din nila ito ng masayang kwentuhan.
Bago matapos ang gabi ay hinatid sila ni Cong TV sa ‘content creator house’ ng Tenfour Productions.
Samantala, marami ang patuloy na sumusubaybay sa Life of Aga TikTok serye—dahilan upang maghatid ng positibong komento ang mga manonood.
@Kuya Tots: “More LOA please!”
@⭐️: “Kidlat be like: layp op Aga!”
@Travissss: “Ang luffeeet! talaga ng friendship nyo nila Mossing at 104 from editors to kanya kanyang ganap! solid! support parin sa isa’t isa!”
@Bins: “LOA is lyf idol!”
@DaddyJames: “Totoong suporta talaga ang meron sa Team Payaman!”
Watch the full video below:
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
This website uses cookies.