Team Payaman’s Kevin and Abigail Hermosada Announce Pregnancy

Isang masayang balita ang hatid ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campanano-Hermosada sa kanilang mga taga-suporta.

Alamin ang balitang ito at tunghayan ang mga nakakatuwang komento ng Team Payaman fans ukol dito.

Abi is Pregnant!

Matapos ang ilang taong pag-iibigan, nagbunga na ang pagmamahalan ng Team Payaman vloggers na sina Kevin Hermosada at Abigail Campanano-Hermosada.

Sa isang mini vlog, excited na inanunsyo ni Kevin na sa wakas ay nagdadalang tao na ang misis niyang si Abi.

Malikhaing ikwinento ng dalawa ang storya ng pagbubuntis ni Abi kung saan ipinakita nila ang ilan sa mga senyales at mga gawi ng isang babaeng nagdadalang tao gaya ng mood swings, hot flushes, at pagkakaroon ng baby bump.

Naging mas emosyonal pa ang mga tagpo nang ipasilip na ang nag-positibong pregnancy test ni Abi.

Sa hiwalay na Facebook post, ipinahatid naman ni Kevin ang kanyang pasasalamat sa mga nakidasal sa kanilang mag-asawa na magkaroon na ng supling.

“Sa wakas!! A tiny heartbeat, a growing miracle, and a love we’ve never known before. After months of keeping a beautiful secret, we’re finally ready to share this.  A new chapter begins, filled with love, laughter, and countless memories waiting to be made. Baby Hermosada arriving soon. Ngayon palang mahal na mahal ka na namin.  Please keep us and our little one in your prayers as we prepare for this incredible journey. Thank you Lord for giving this miracle.  Thank you vrodies for the “Baby Dust” Thank you my Wife for carrying our little one,” ani Kevin.

Congratulatory Messages

Samantala, marami ang natuwa, lalo na ang mga nakidasal, sa balitang hatid ng mag-asawang Kevin at Abi.

Jan Michael Dapat Miralpes: “Congrats kevs!”

John Eranzo: “Alagaan mo sila parehas par! Congratulations!!”

Marigold De Vera: “Congratulations po”

_cvktcv: “Congratssss, ate abi and kuya kev! so happy for you both po!”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

23 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.