Nagsanib-pwersa ang Team Payaman cook na si Dudut Lang at aktor na si David Licauco para sa isang intense Hyrox training.
Silipin ang mga tagpo sa likod ng kwela at buwis-buhay training ng dalawa kasama ang Mang Tomas Philippines.
Sa kanyang recently-uploaded reel, ipinasilip ng Team Payaman cook na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang ang pagsasama nila ng aktor at businessman na si David Licauco para sa isang hyrox training.
“Ito pala ‘yung hyrox, eh mas madali pa sa pickleball ‘to eh!” biro ni Dudut.
Sinimulan ni Dudut ang kanyang training sa pamamagitan ng warm-up exercises at tsaka siya sinamahan ni David sa kalagitnaan ng training.
Matapos ang kanilang training, inaya ni Dudut si David kumain kung saan personal niya itong nilutuan ng Grilled Chicken Breast Rice Bowl sa loob ng kanyang sariling restaurant na Sobra Cafe.
Kanyang nilevel up ang nasabing putahe nang samahan niya ito ng sarsa mula sa Mang Tomas Philippines.
“Ang mag-eelevate ng ating Chicken Barbecue rice bowl ay Mang Tomas Siga!” ani Dudut.
“Ang sarap! Iba talaga pag OG!” reaksyon naman ni David.
Samantala, marami ang natuwa sa hindi inaasahang collaboration nina Dudut at David para sa Mang Tomas.
@morninghascomeee: “Hahaha, I love you, David!”
@carol: “Kagutom! Rawwwwr!”
@NoelieCatipay: “Kagwapo ng Dudut ohhh hihi!”
@Ms.Apple: “Go Go Go Dudut!!!!!!!”
Watch the full video below:
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
This website uses cookies.