Matapos ang naging tampuhan ng mag-asawang sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez, agad itong napalitan ng sweet na lambingan matapos sorpresahin ni Cong si Viviys ng isang date trip sa Vietnam.
Tampok sa recent social media updates ng Team Payaman power couple ang mga kaganapaan sa kanilang biglaang trip.
“Magkaaway kami noong nakaraang araw at sabi niya magimpake daw ako. Ibibili niya raw ako ng mga damit sa Vietnam. Tanggal angas ko. Akala ko papalayasin ako,” kwento ni Viviys sa kaniyang video caption.
Isa sa effortless couple moments na umani ng atensyon ng netizens sa kanilang trip ay ang daily stylish and coordinated outfit-of-the-day na swak habang ini-explore ang iba’t ibang lugar sa Vietnam.
Hindi rin nagpahuli ang dalawa sa paghataw sa iba’t ibang trending TikTok dance entries gaya ng ‘Boogie’ at iba pa habang naglilibot.
Bukod sa sweet moments, isa rin sa bumuo ng kanilang trip ay ang random ‘Pasabuy’ serye ni Viviys kung saan nagtanong siya sa mga netizens kung sinong gusto magpasabay na magpabili ng mga mura at magandang damit mula sa Vietnam.
Laking katatawanan naman sa netizens matapos nito pagbitbitin ng mga pinamili ang walang iba kundi ang asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
Pinatunayan nina Cong TV at Viviys na kahit may simpleng tampuhan, sa huli ay mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan, kulitan, at effort para mapasaya ang isa’t isa.
Dahil dito, mas lalong nasilayan ng fans ang natural at relatable na samahan ng mag-asawa kahit nasa ibang bansa dahilan kung bakit patuloy din silang hinahangaan ng maraming online supporters.
Laking pasasalamat naman ni Viviys para sa naging surpresa sa kaniya ng asawa.
“Thank you my love sa Vietnam trip na ‘to. Thank you sa mga damit na regalo mo. Thank you sa paghihintay. Thank you sa pagbubuhat, parang 100 pcs na damit HAHAHAHAHA. Waiting ako sa next away natin eme lang hahahahah love you ,” caption ni Viviys sa post.
“Dito na po ba nabuo si Hanoi?” birong komento pa ng mga netizens.
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
This website uses cookies.