Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Join Dudut Lang in a Fun Cooking Session

Muling nakasama ng resident cook ng Team Payaman na si Dudut Lang ang mga kaibigan na sina Vien Iligan-Velasquez at Junnie Boy para sa isang masayang cooking session.

Tunghayan ang mga tagpo sa kanilang cooking bonding at kung ano-anong mga putahe ang kanilang ibinahagi.

Dudut’s Kitchen with JunnieVien

Sa kanyang bagong vlog, inimbitahan ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang kapwa TP members na sina Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, at misis niyang si Vien Iligan-Velasquez.

Kwento ni Dudut, una na niyang nakasama sina Junnie at Vien sa kusina noong sila’y sumabak sa culinary classes ilang taon na ang nakakalipas.

“Culinary drop outs [kami]. Isang taon lang kami [nag-aral],” biro ni Junnie.

Dagdag pa sa konsepto ng vlog ay ang kanilang ihahandang pagkain ay kanilang iaabot sa mga tsuper o jeepney driver na labis na naapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin.

“Kaya ngayon naisip ko, sa tulong ninyo, ‘yung mga naapektuhan ng krisis ng gasolina, aabutan natin ng pagkain,” paanyaya ni Dudut sa mga kaibigan.

Ilan sa mga putaheng kanilang niluto nang magkakasama ay ang Tuna Steak, Lechon Paksiw, at Tortang Alamang.

Hands-on din si Dudut sa pag-alalay sa mga kaibigan sa paghahanda ng kanilang mga kakainin.

Matapos maluto, isa-isa nila itong isinilid sa isang container upang maipabahagi sa mga tsuper na kanilang makakasalamuha.

Netizens’ Reactions

Samantala, marami ang natuwa sa intensyon nina Junnie, Vien, at Dudut na magpaabot ng tulong sa mga jeepney drivers.

@LizabethDelMundo: “Food is a symbolic of love when words are inadequate. Napaka simpleng gesture lang ng ginawa ni Dudut pero yung pakiramdam ng mga nakakain after work nila lalo na mga rider and jeepney driver natin e napakalaking bagay na. Salute Chef Duts, much love!”

@carlosotelo60: “Lowkey helping din tong team payaman eh sino kaya next?”

@carizzamaepol6829: “Proud sa inyong lahat! Godbless you more sa inyo!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

22 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

23 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

24 hours ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.