Sa bagong vlog ni Viy Cortez-Velasquez, isang masayang hamon na naman ang kanyang hatid kasama sina Cong TV, Pat Velasquez-Gaspar, Boss Keng, Junnie Boy, at Vien Iligan-Velasquez.
Alamin ang mga nakakatuwang mga tagpo sa kwelang ‘Swap Partner’ challenge ni Viviys.
Sa nasabing vlog, inanyayahan ni Viviys ang asawang si Cong, at mga in-laws na sina Pat, Keng, Junnie, at Vien.
Bilang twist sa nasabing hamon, ipinares ni Viviys si Pat kay Cong, si Vien kay Boss Keng, at si Junnie sa kanya.
Ang bawat isa ay binigyan ng kani-kanilang produkto, may kwek-kwek at fishball, scramble, at shawarma. Parte ng hamon ay ang pagkakaroon ng mataas na kita upang masabing sila ang tatanghaling panalo.
Nagimbita rin si Viy ng ilan sa mga online-famous vendors upang magabayan ang Team Payaman members sa paghahanda ng kanilang mga ibebenta.
Habang tumatakbo ang oras, hands-on ang magpapares sa pagbebenta ng kanilang mga pagkain. Kaliwa’t kanan ding marketing strategies ang ipinakita ng TP Power Couples na talagang umaliw sa mga manonood.
Nang oras na para bilangin ang kanilang mga nabenta, atambalan nina Cong at Pat ay umabot sa humigit-kumulang ₱4,180 na benta. Sumunod naman ang pares nina Boss Keng at Vien na may kabuuang ₱5,526. Samantalang ang tambalan nina Viy at Junnie ay nakaipon ng ₱3,940—dahilan upang magwagi ang tambalang Boss Keng at Vien.
Sa pagtatapos ng vlog ay bukod sa kani-kanilang kinita ay binayaran ni Viy ang kanilang mga binebenta sa loob ng isang araw.
Bilang isang masayang twist, lahat ng mga vendors ay nabigyan din ng pagkakataong sumali at magbenta sa Team Payaman Fair na ikinatuwa rin nila.
Watch the full vlog below:
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
This website uses cookies.