Cong TV Takes On Extreme Cooking Challenge With Mang Tomas

Isang pangmalakasang buwis-buhay na promotion ang hatid ni Cong TV para sa Mang Tomas matapos niyang sumubok na magluto sa kalagitnaan ng papalubog na sandbar.

Buwis-Buhay Cooking Challenge

Dinala ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang driver na si Kuya Jonas sa Las Calas Resort and Luxury Estate sa Pangasinan upang maglaban sa isang buwis-buhay na cooking challenge. 

Ang twist, kailangan nilang makapagluto ng Tilapia sa habang patuloy ang paglubog ng sandbar sa kalagitnaan ng dagat.

“Nandito kami ni Jonas sa Las Calas kung saan ngayong araw magluluto kami bago mawala ang sandbar na ito,” ani Cong.

“‘Di ko alam kung tayo ang magkalaban o kalaban natin ‘yung dagat,” ani naman ni Kuya Jonas.

Matapos makapaghanda ng ilang mga sangkap ay unti-unti na ring tumataas ang tubig, hudyat na malapit na ring lumubog ang sandbar.

“Parang kinakain na tayo dahan-dahan. Pero kaya ‘yan, Nas. Tiwala lang,” motibasyon naman na hatid ni Cong sa kasama.

“Ano sa tingin mo, Sing. Mauuna maluto ‘yan o malunod tayo?,” biro pa ng videographer na si Cyrill Factor.

Matapos ang ilang sandali, nagdesisyon na rin ang lahat na bumalik sa pampang kung saan mas ligtas nilang matatapos ang challenge. 

“Di ko alam kung ano uunahin ko eh, ‘yung promotion ng Mang Tomas o buhay ko,” biro pa ni Cong.

Subalit, sa kalagitnaan ng kanilang pag-ahon ay sunod-sunod muling mga problema ang nakaharap ng team matapos mawalan ng gas ang jetski na kanilang sinasakyan at mamatayan ng flashlight battery.

“Goods ‘yung Mang Tomas OG o Siga sa ulam, pero ‘di pwedeng gamiting pampalutang,” dagdag na komento ni Cong. 

Sa huli, nakarating naman sila nang ligtas sa pampang at itinuloy na ang pagluluto. Matapos magprito ay hinanda na nila ang plating ng Tilapia sa tulong ng Mang Tomas Original at Mang Tomas Siga. 

Noong natikman na ng asawa niyang si Viy Cortez-Velasquez ang dalawang klase ng luto, walang pag-aalinlangan nitong napili ang dish ng asawang si Cong na may Mang Tomas Siga. 

“Alam mo kung bakit, mahilig ako sa maanghang eh. Masarap din naman ‘yan kuya, pero syempre dito ako sa asawa ko,” paliwanag ni Viviys. 

“Muntik ko nang hindi matikman ang sarap niyo, Mang Tomas,” caption pa ni Cong sa video upload.

Alex Buendia

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

20 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

20 hours ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

2 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

2 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

2 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

2 days ago

This website uses cookies.