Inah Evans Reunites with Team Payaman in Long-Awaited Comeback Episode

Matapos ang halos tatlong taong pahinga sa paggawa ng content, muling nagbalik si Inah Evans sa YouTube sa kanyang pinakabagong episode ng ‘The Baklang Kanal Show.’

Sa kanyang bagong vlog, tampok dito ang kanyang muling pagbisita sa Congpound, kung saan niya personal na nakasama muli ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan at kapwa content creators.

Inah Evans x TP

Sa simula ng vlog, ibinahagi ng social media personality at entertainer na si Inah Evans, a.k.a. ‘Ate Dick,’ na matagal na niyang hindi nakita ang kanyang mga kaibigan sa Team Payaman, pati na rin ang ilan sa kanyang mga inaanak na hindi pa niya personal na nakikilala mula nang sila’y ipanganak at binyagan.

Sa kanyang pagdating sa Congpound, ilan sa mga sumalubong kay Inah ay sina Clouie Dims, Jaime Marino De Guzman, a.k.a. ‘Dudut Lang,’ at Kevin Hufana, kung saan agad namayani ang palitan ng kwentuhan at biruan.

Sa gitna ng kasiyahan, naging bukas si Inah sa pagbabahagi ng kanyang dahilan sa pagbabalik sa paggawa ng online content. Ayon sa kanya, ang presensya sa Team Payaman ang isa sa mga nagbibigay sa kanya ng inspirasyon upang muling gumawa ng content, lalo na matapos mapansin ang malaking pagbabago at pag-unlad ng grupo sa loob ng mga taon.

“Kasi sa totoo lang, kapag nandito ako sa Team Payaman, tsaka lang ako lagi nai-inspire mag-vlog. Kasi nakikita ko ‘yung mga malaki nilang computer, malaki nilang bahay, mamahaling gamit. So parang, sige na nga, mag-vlog na ako ulit,” ani Inah sa vlog.

Isa sa mga tampok na bahagi ng episode ang inihandang sorpresa ni Inah para kay Vien Iligan-Velasquez nang magdala siya ng isang kakilala na kamukha ni Junnie Boy, na tinawag niyang ‘Junnie Girl.’ Pagdating ng kaibigan, agad niyang ipinakilala ang look-alike ng kanyang asawa, na nagbigay ng aliw at tawanan sa grupo.

Matapos ang ilang sandali, dumating mismo si Junnie Boy at personal na hinarap ang kanyang kamukha, kasunod ang biruan tungkol sa dating ‘Keng Ina’ era nina Inah at Boss Keng at ng bagong tandem.

Sa mga sumunod na eksena, dumating din ang ilan pang kapwa content creators na sina Jai Asuncion at Viy Cortez-Velasquez, kung saan napag-usapan ang mga personal na kwento, ang mga okasyong hindi nadaluhan ni Inah, at ang kanyang plano na humanap ng kamukha ni Cong TV.

Sa pagtatapos ng vlog, ipinahayag ni Inah ang kanyang hangaring mas madalas nang bumisita sa Team Payaman at ipagpatuloy ang kanyang pagbabalik sa YouTube.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang natuwa sa muling pagkikita-kita ng Team Payaman, at umaasa rin sila na mas madalas pang magkakaroon ng mga vlog at okasyon kasama si Inah.

@janamariii: “House raid sa lahat ng bahay nila sa Team Payaman and harbatan. Go, Mother Beep Card!”

@PamilyangGala23: “Ngayon hiwa-hiwalay na sila ng bahay at subdivision pero mas madalas ang mga TP Fam magkita-kita lalo nung holidays. Sana makasama ka pa din madalas sa mga gathering nila na ganun. Keep safe always, Inah Evans.”

@rustomrombo0420: “More vlog with Team Payaman!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Tsuper Dad:Junnie Boy’s DIY Toy Cabinet Turns into a Heartfelt Parenting Lesson

Sa bagong episode ng “Tsuper Dad” series, ibinahagi ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy…

1 hour ago

SISTER GOALS: Viy Cortez-Velasquez and Yiv Cortez Star As TTRacing’s Newest Brand Ambassadors

More than just being content creators, Viy Cortez-Velasquez and Yiv Cortez are now the faces…

10 hours ago

Tokyo Athena Marks Last Monthly Milestone Before Turning One

Muling naghatid ng saya ang magkapatid na Tokyo Athena at Zeus Emmanuel, a.k.a. Kidlat, sa…

11 hours ago

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

1 week ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

1 week ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

1 week ago

This website uses cookies.