Cong TV Surprises Junnie Boy With A Magical Gift In Viy Cortez-Velasquez’s ‘GIPGIBING’ Vlog 

Sa pinakabagong episode ng GIPGIBING serye ni Viy Cortez-Velasquez, bumida ang asawa niyang siCong TV matapos niyang mabunot ang kapatid na si Junnie Boy.

Sa pagkakataong ito, napili si Junnie Boy bilang tatanggap ng regalo. Magtagumpay kaya si Cong TV sa pagbibigay ng mahikang regalo para sa kapatid? 

Magic Shop

Sa bagong episode ng ‘GIPGIBING’ serye ni Viviys, ang asawa niyang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, naman ang susunod na maghahanap ng kanyang regalo. 

Nabunot niya ang kapatid na si Junnie Boy, at kinakailangang mabigyan niya ito ng ‘magic shop,’ na regalo.

Isang malaking hamon para kay Cong ang paghahanap ng ‘magic shop’ kung kaya’t habang sila ay nag-iikot ikot ay nagtatanong sila sa kung saan maaaring makakita ng magic na kahit sila ultimo ay nagpakita ng mga tricks sa kanilang mga nakakasalubong. 

Magician 

Sa halip na magic props, isang mas kwelang idea ang nabuo nang tanungin nila ang isa nilang tagahanga na mag-regalo mismo ng isang magician. Sa tulong ng koneksyon ng nakita nilang caterer, matagumpay nilang nahanap si Kuya Bats—isang magician na agad naman na pumayag sa kanila na sumama at mag-perform para kay Junnie. 

“Narealize namin, kulang kami naman talaga sa pagkabata. Wala kang ganito.” pauna ni Cong TV sa kapatid. 

Bukod kay Junnie, nakinood din ang kanyang mga anak na sina Mavi at Viela na nag-enjoy rin sa performance ni Kuya Bats.

“Kaya salamat sa kuya ko kasi na-experience ko ‘to” pasasalamat naman ni Junnie Boy. 

Funny Comments

Samantala, marami ang natuwa sa kakaibang regalong handog ni Cong TV sa kanyang nakababatang kapatid.

@jktvvlog2135: “Madam Viy, pasabi kay Boss Cong salamat po at buti nasiyahan po kayo sa binigay namin na clown. God bless, more power po!”

@alfonsoxiii1757: “‘Yung kausap nasa videocall din. Hahaha, loko ka Viy!”

@loooisetv.5177: “Sobrang natural ni Junnie sa last part. Haha g na g!” 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
12
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *