
Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos niyang ipakita ang kanyang sariling paraan ng pagbabantay sa kanilang bagong tahanan.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang ‘hiding spots,’ mga katuwang sa pagbabantay, at simpleng pagtalakay sa usapin ng seguridad, naging sentro ng vlog ang pagiging alerto at responsibilidad ni Junnie sa loob ng tahanan.
‘BANTATAY’
Sa unang bahagi ng vlog, isa-isang ipinakita ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a. Junnie Boy, ang ilang lugar sa loob at labas ng bahay na maaari niyang pagtaguan sakaling may pumasok sa kanilang bakuran.
Ayon kay Junnie, kahit walang bayad, bahagi ito ng kanyang tungkulin bilang padre de pamilya. Bitbit ang kanyang light saber at tsinelas, pabirong sinabi ni Junnie na hindi man siya superhero, siya ang aasahan sa kanilang bahay kung may mangyaring hindi inaasahan.
“Kahit walang sahod, du-duty ako dahil ako ang padre de pamilya sa bahay na ‘to,” ani Junnie.

Una nang ipinakita ni Junnie ang loob ng kanilang sasakyan bilang unang ‘hiding spot,’ na hindi agad mapapansin ang presensya ng isang tao.
Sinundan ito ng gate post, kung saan maaari siyang magpanggap na rebulto, at ang bakuran, kung saan pabirong binanggit niya na maaari siyang magkunwaring pangwalis.

Kasunod nito, ipinakita rin niya ang gilid ng kanilang bahay na may mga upuan, na sa unang tingin ay tila walang tao, pati na ang tumpok ng mga gamit na akala’y kalat lamang ngunit isa pala sa kanyang mga taguan.
Bukod dito, kabilang sa mga hindi inaasahang pwesto ang swimming pool, isang lugar na huling-huling maiisip ng sinumang magnanakaw.

Kalaunan, inamin ni Junnie na bagama’t mukhang ligtas ang kanilang subdivision, hindi pa rin masasabing sigurado ang lahat.
Dahil sa antok, nagpasya siyang gisingin ang kaibigang si Bok upang may makasama sa pagbabantay. Nagkaroon sila ng seryosong talakayan tungkol sa mga posibleng pasukan ng magnanakaw at sa mga hakbang na ginagawa nila upang maiwasan ito.

Matapos magronda sa loob ng subdivision, bumalik sina Junnie at Bok sa bahay at nanood ng mga online tips tungkol sa tamang gawin sakaling may pumasok na magnanakaw, kung saan napagtanto ni Junnie na mas mainam pala ang magtago kaysa makipagsagupaan.
Netizens’ Comments
Samantala, maraming netizens ang humanga sa dedikasyon ni Junnie habang nagbabantay sa bahay, at natuwa rin sa kakaibang creativity ng kanyang mga hiding spot.
@mariuzilla: “Grabe grind ni boss Jun. Habang nagstream, nag-upload pa ng vlog. Isang tunay na padre de pamilya talaga.”
@shenesmeria: “Mas bet ko yung hiding spot no. 5, hindi talaga na halata. ‘Yung no. 6, mamatay ka na kakahintay. Hahahaha!”
@danleymanaloto5774: “Napasaya mo ‘ko, Pards. Keep uploading. Salute. Ganap na Padre De Pamilya. Pampaalis ng stress dito sa Europa.”
Watch the full vlog below:





