Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang bagong vlog, tampok ang ilang miyembro ng Team Payaman at Team Harabas sa kanilang camping at spear fishing trip sa Occidental Mindoro.

Spear Fishing Trip

Sa simula ng vlog, ibinahagi ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng ang kanyang biyahe kasama ang Team Payaman mula Batangas patungong San Jose, Occidental Mindoro, kung saan hindi alam ng ilang kasamahan ang tunay na destinasyon.

Kabilang sa biyahe ang kanyang asawa na si Pat Velasquez-Gaspar, sina Nelson Mendoza Jr., Steve Wijayawickrama, Michael Magnata a.k.a. Mentos, at ang kanyang mga videographer.

Pagdating sa nasabing lugar, sinalubong sila ng Team Harabas na pinangungunahan ng kapwa content creator na si Jeffrey Guansing, a.k.a. Harabas, at ang grupo na gagabay sa kanila sa loob ng ilang araw.

Kasunod nito, inihanda ng Team Harabas ang isang simpleng almusal na may boodle fight, isang tradisyon na madalas nilang gawin tuwing may bisita. 

Dito, ipinaliwanag ni Jeffrey na ‘survival’ ang tema ng kanilang camping dahil limitado ang baon at kinakailangan nilang manghuli ng isda at iba pang lamang-dagat para sa kanilang pagkain.

Matapos ang maikling pahinga sa isang hotel, muling nagtipon ang dalawang grupo at nagtungo sa dagat kung saan sila sasakay ng bangka patungo sa fishing area. 

Bago magsimula sa kanilang spear fishing, nagsagawa si Jeffrey ng masusing safety briefing tungkol sa tamang paggamit ng pana at sa kahalagahan ng pagiging alerto sa bawat galaw.

Sa kadiliman ng karagatan, matagumpay na nakahuli si Boss Keng ng puffer fish at tatlong maliit na lobster, habang ang iba ay patuloy na nagsikap makahuli ng iba’t ibang isda at lamang-dagat. 

Bago matapos ang vlog, nagsama-sama ang dalawang grupo upang ipakita ang kanilang mga huli, kabilang ang malaking pusit na nakuha ng Team Harabas. Kasabay nito, ipinakita rin ang proseso ng paghahanda at pagluluto ng puffer fish, na tinikman ng grupo bilang kakaibang karanasan.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming manonood ang nagpakita ng kasiyahan at umaasang makakasama pa ang mas maraming miyembro ng Team Payaman sa mga susunod na adventure.

@mae.ihelpu: “Sana next time buong Team Payaman na ang pumunta dito sa San Jose!”

@markkkyyyy11: “Mas bet ko ‘yung ganitong vlog mo, Boss Keng.”

@NurseMarizL: “Naka-ilang nood na ako. Hindi nakakasawa ‘yung mga ganitong adventure niyo, Boss Keng. Part 2, please!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
183
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *