Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang ‘Offbeat’ serye, kung saan tampok sina Roy Aguilo at Aaron Oribe mula sa viral na ‘Istasyon’ vlog ni Cong TV.

Sa ika-walong episode ng Offbeat, muling binalikan nina Roy at Aaron ang mabibigat na karanasan na humubog sa kanila at kung paano nagbigay ng bagong pag-asa ang kanilang kwento para sa mga manonood.

Second Chances

Sa unang bahagi ng episode, personal na bumisita si Viy Cortez-Velasquez sa BigRoy’s Boodle Fight para sa isang mukbang na may kasamang kwentuhan kasama sina Roy Aguilo at Aaron Oribe, na nakilala sa viral na ‘Istasyon’ vlog ng content creator na si Cong TV.

Bago magsimula ang kainan, ibinahagi ni Viy ang epekto ng nasabing vlog na napanood niya mahigit isang buwan bago ito opisyal na nailabas. Ayon sa kanya, malalim ang aral na dala ng kwento ni Aaron, kaya nais niyang malaman kung ano ang naramdaman nina Roy at Aaron nang una nilang mapanood ito.

Kwento ni Roy, malaki ang naging epekto nito sa kanya dahil dumaan siya sa puntong halos sumuko na matapos makulong at mawalan ng 12 mula sa 13 branches ng kanyang negosyo. 

Mula rito, ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa suporta ng kanyang Tito, na ipinaglaban ang natitirang branch ng BigRoy’s para sa kanya, at sa patuloy na tiwala ng kanyang partner.

Kasunod nito, ibinahagi naman ni Aaron na naging emosyonal siya sa unang bahagi ng vlog. Dito niya napagtanto kung gaano kabigat ang mga pinagdaanan niya sa loob ng labing limang taon ng pagkalulong sa bisyo.

Ayon kay Aaron, isang seryosong pag-uusap nila ng kanyang ama ang gumising sa kanya para magbago. Dahil dito, nagpasya siyang lumuwas ng Maynila upang magsimula muli at harapin ang buhay sa labas ng kanyang comfort zone. 

Sa gitna ng kanyang kwento, inamin niyang itinuturing niyang ‘superhero’ si Cong TV dahil sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya at sa tulong na natanggap niya upang makabangon mula sa mabigat na sitwasyon.

“Dati, hindi ako naniniwala na may superhero. Nung makita ko si Boss Cong, sinalba niya ‘yung buhay ko. Sinagip niya ako. Utang ko po sa kanya ‘yung buhay ko,” ani Aaron sa vlog.

Sa pagpapatuloy ng kanilang kwentuhan, ibinahagi ni Aaron na mas maayos na ang takbo ng kanyang buhay ngayon. Kahit hindi pa lubusang maayos ang relasyon niya sa pamilya ng asawa, patuloy niyang pinapakita na karapat-dapat siya sa tiwala ng mga ito.

Life After ‘Istasyon’

Matapos mailabas sa publiko ang nasabing vlog, agad na kinausap ni Roy si Aaron upang masiguro ang maayos na takbo ng kanilang negosyo at ang patas at maalagang pakikitungo sa lahat ng bumibisita sa BigRoy’s. Mahalaga sa kanila na ipakita ang kabutihan at integridad, lalo na sa mga taong naaantig sa kanilang kwento at nagnanais na magsimula muli sa buhay.

Bukod dito, marami sa mga bumibisita ay dating nakulong at naghahangad bumangon muli. Bagama’t limitado ang kanilang kakayahan na tumanggap ng marami, hangad ni Roy na mabigyan ng oportunidad ang mga gustong magbago. 

Sa huli, nagpasalamat si Aaron sa pagiging patas at maalaga ni Roy bilang boss, na nagbibigay ng inspirasyon at pantay na trato sa lahat ng kanyang empleyado.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
12
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *