
Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang ‘Because’ sa iconic Wish Bus 107.5.
Tunghayan ang mga tagpo sa likod ng isa sa mga malalaking milestone para sa isa sa mga musikero ng Team Payaman.
Live Vocals, Live Emotions
Bukod sa hit song na ‘Hangin,’ isa rin ang awiting ‘Because’ sa mga ipinagmamalaki ng bandang YNO na kinabibilangan ng Team Payaman member na si Yow Andrada.
Ang awiting “Because,” ay isang kantang puno ng damdamin at pagkukwento, na siyang mararamdaman sa lamig ng boses at tugtugin ng nasabing banda.
Isang live show performance sa loob ng Wish 107.5 bus ang handog ng bandang YNO, kung saan kanilang hinarana ang mga nakikinig ng kanilang heartfelt song.

Mapapakinggan na ang “Because” sa lahat ng digital streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music, iTunes, at YouTube Music, kaya kahit saan ka man sa mundo, maaari mo nang mapakinggan at maramdaman ang kilig na hatid ng bagong awitin ng YNO.
Netizens’ Comments
Dahil sa live performance nila sa Wish Bus, marami ang pinakilig at mas lalo pang nabighani sa husay ng bandang YNO pagdating sa paglikha at pag-awit ng mga kanta.
@Rakeous1: “Ang sarap sanang ipagdamot ang mga kanta mo, Yoh, pero alam kong deserve ng mundo na marinig ang musika mo! Ang sarap talaga sa tenga ng YNO. Sino’ng mag-aakala na bassist pala ito ng COLN? HAHAHA!!”
@earljohncruz9819: “Grabe, Waldo! Paldo sa gig! Cozy Cove lang nung nakaraan, ngayon Wish Bus na!”





