Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong kaarawan ng kanilang panganay na si Von Maverick. 

Mula sa food tasting hanggang sa paghahanda ng venue, bawat detalye ay pinaghirapan upang maging espesyal ang araw para sa kanilang anak.

Mavi’s Birthday Celeb

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Mommy Vien ang behind-the-scenes ng mga paghahanda para sa Minecraft-themed party ni Mavi. 

Nag-ikot ang pamilya sa mga event venues, nakipag-coordinate sa suppliers, at tiniyak na maayos ang bawat detalye mula sa dekorasyon hanggang sa pagkain. 

“One month lang namin pinaghandaan, kaya sobrang busy kami, pero sulit na sulit!” ani Mommy Vien.

Dumalo ang pamilya, kaklase, at mga kaibigan na nakisaya upang mas maging espesyal ang selebrasyon. Tampok ang cake-cutting, games, group pictures, at masayang pagtugtog ng musika na nagpasaya sa lahat ng mga bisita.

Parents’ Love

Sa pagbibigay ng mensahe, naalala ni Mommy Vien kung gaano kabilis ang panahon: “Parang kahapon lang nagkarga kita, ngayon 7 years old ka na.” 

Ganoon din si Daddy Junnie na hindi napigilan maging emosyonal habang sinasabi na nakikita niya si Mavi na kanilang ‘little baby,’ at hindi makapaniwala sa bilis ng paglaki ng kanilang panganay.

Bukod kina Junnie at Vien, nagpahatid din ng mensahe ng pagbati at pagmamahal ang kanyang Tita Venice, Tita Pat, Tito Keng, Tita Viviys, at Tito Cocon na humihiling ng good health at masaganang buhay para sa kanilang minamahal na pamangkin.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
9
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *