Aaron Macacua Explores Ugbo Street Food with Team Payaman

Isang masayang food trip ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Burong sa kanyang mga manonood, kasama ang ilang kapwa TP members.

Tunghayan ang kanilang food adventure sa Ugbo, Tondo, isang kilalang destinasyon ng street food na nagtatampok ng iba’t ibang putahe mula sa lutuing Pilipino hanggang Japanese, Korean, at Chinese cuisine.

‘Ugbo’

Sa unang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Aaron Macacua, a.k.a. Burong, na dapat ay nasa Japan sila ni Dudut para sa isang content na may temang ‘eating like a sumo wrestler,’ kung saan target nilang ubusin ang halos 10,000 calories.

Gayunpaman, dahil hindi natuloy ang kanilang biyahe, napagdesisyunan ng grupo na gawin ang bersyon nito sa Ugbo. Sa halip na calories, P10,000 food budget ang ginamit nilang basehan para sa kanilang foodtrip challenge.

“Nandito tayo ngayon sa Ugbo. Actually, dapat nasa Japan kami ni Dudut ngayon. Pero hindi kami natuloy sa Japan. May gagawin sana kami doon. Eating sa mga convenience store, ganyan. Sa mga lugar na kung saan kumakain ‘yung mga sumo wrestler. Pero dahil hindi natin magagawa, dito na lang tayo magfu-foodtrip sa Ugbo,” kuwento ni Burong sa kanyang vlog.

Kasama rito ang kapwa Team Payaman members na sina Chino Liu, Steve Wijayawickrama, Jaime De Guzman, a.k.a. Dudut, at ang cameraman at video editor ni Dudut na si Paolo Mitra.

Nagsimula sila sa empanada na nagkakahalaga ng P340 para sa tatlong tao, sinundan ng iba’t ibang street food gaya ng kwek-kwek, at palamig na may leche flan sa ibabaw na agad nakadagdag sa kanilang total na gastos.

Patuloy na dumami ang kanilang kinain at bawat presyo ay ipinapakita sa screen upang masubaybayan ang kabuuang halaga. 

Sa kanilang pag-iikot, natikman nila ang fried noodles with siomai, inihaw na pusit, oysters, crepes, ten yen cheese coin, cheese corn, at marami pang iba.

Sa kalagitnaan ng vlog, nagkaroon ng biruan at tantyahan kung magkano na ang kanilang nagastos. Lumabas na tama ang hula ni Chino na nasa pagitan ng P2,500 hanggang P3,000 ang halaga. Sa huli, nagtala sila ng kabuuang P2,505 na gastos.

Bagama’t malayo pa sa target na P10,000, ipinaliwanag ni Burong na ipagpapatuloy nila ang challenge sa susunod na vlog. Sa pagkakataong iyon, parehong halaga ang gagastusin nila ngunit sa isang fine dining restaurant upang maikumpara ang karanasan.

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang vlog ni Burong, kabilang na ang mga komento ng suporta at nakakatawang biro mula sa kanyang mga manonood.

@diomar4362: “Don’t worry, Burs. Hindi ako nag skip ng ads para bawi pinangbili mo. Hahaha!”

@RonjayRosales-q6r: “Salamat sa pag upload ng video mo po, lods. More blessings to come sa’yo at sa pamilya n’yo. Sa team payaman power sa inyo, lods.”

@lesliemaycorpuz4711: “Hindi ako nag-skip ng ads para ilibre mo ulit sila. Hahahahahaha!”

@bretheartgregorio1886: “Power sa’yo, Boss Burs!”

@shenesmeria: “Bitin! Hahaha!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
20
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *