
Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong pagbati para sa kanyang asawa.
Kasabay nito, umani rin ng maraming pagbati at mensahe ng suporta mula sa netizens ang Team Payaman content creator.
Boss Keng Turns 33
Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang paghanga at pasasalamat sa pagiging mabuting asawa at ama ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, gayundin sa positibong presensya at saya na kanyang naibibigay sa kanilang pamilya araw-araw.
“Happy Birthday to my amazing husband and the best dad, thank you for all the love, support, and laughter you give every day. We’re so blessed to have you, Daddy! We love you so much,” ani Pat sa kanyang post.
Isa sa mga natatanging bahagi ng selebrasyon ay ang birthday cake na hango sa kanilang bagong hilig na laro —ang pickleball, tampok ang mga detalyeng sumasalamin sa sporty side ng celebrant at nagpapaalala sa masayang bonding moments nilang mag-asawa.

Birthday Greetings
Samantala, dumagsa ang mga pagbati ng netizens para kay Boss Keng, kasama na ang mga mensahe ng paghahangad ng mas maraming taon ng tagumpay at kaligayahan para sa kanya at sa kanyang pamilya.
Rachel Naluz Columna: “Happy birthday, Keng! God bless you more each day.”
Ryan Lorenz Emberga: “Happy birthday, Boss Keng!”
Jiyan Aquino: “Happiest birthday, Kuya Exekiel Christian C. Gaspar!”
Ludelyn Arroyo Etulle: “Happy birthday, Boss Keng! May you have many more birthdays to come with Team Payaman. Hugs to Isla, Ulap, and Ma’am Pat.”
Jessica Mae Villamayor Marciano: “Happy birthday, Boss Keng! Mabuhay ka hangga’t gusto mo.”





