
Matapos ang kanilang local trip, dinala ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang kanyang mga manonood sa Bangkok, Thailand.
Alamin ang detalyadong gastusin mula sa pamasahe hanggang sa pagkain, pati na rin ang ilang travel tips na ibinahagi niya para sa mga first-time travelers ng nasabing bansa.
Cost Breakdown
Sa kanyang bagong vlog, malinaw na ipinakita ni Kevin Hermosada ang kabuuang breakdown ng kanyang mga gastusin. Sinimulan niya ito sa halaga ng round-trip ticket at accommodation, na karaniwang pinakamalaking bahagi ng travel budget.
Nagsimula ang kanilang biyahe sa NAIA Terminal 3 bandang alas-otso ng umaga kasama ang asawa niyang si Abigail Campañano-Hermosada, a.k.a. Abi, at ang kanilang mga kaibigan na sina Mitch at Ben bago tumungong Thailand.
Sa pamamagitan ng online check-in, inirekomenda ni Kevin na iwasan ang mahabang pila sa airport. Isa sa mga kanyang tip ay huwag magmadali sa booking ng flights at siguraduhing maayos ang mga digital requirements tulad ng E-Travel at Thailand Digital Arrival Card bago umalis ng Pilipinas.

Ang kanilang roundtrip ticket ay nagkakahalaga ng ₱9,487 bawat isa, kasama na ang 20kg baggage at travel tax. Dagdag pa rito, inilahad ni Kevin na ang mismong trip ay naging espesyal dahil kaarawan ni Abi at nais niyang gawing memorable ang selebrasyon nito.
Matapos ang mahigit sa tatlong oras na biyahe, lumapag sila sa Suvarnabhumi Airport, kung saan nagbigay si Kevin ng ikalawang tip na magdala ng ₱300 hanggang ₱500 para sa pagkain at pamasahe.
Para kay Kevin, mas mainam umano bumili ng SIM card sa Klook at magpapalit ng pera sa siyudad ng Bangkok, partikular sa Super Rich, kaysa sa airport.
“Sabi ng mga travelers, mas okay daw na magpapalit sa city kesa sa airport. So ayun, may karapatan na kaming gumala dahil may mga pera na,” ani Kevin sa kanyang vlog.

Bandang alas-tres ng umaga sa Thailand, nagtungo sila sa Magic Food Point para kumain. Umorder si Abi ng Congee na nagkakahalaga ng 65 baht, habang si Kevin naman ay Tom Yum na 80 baht at dalawang bote ng tubig na tig-25 baht.
Sa usaping transportasyon, gumastos sila ng kabuuang 487 baht sa Bolt XL, na kanyang pinagsisihan dahil mas mura kung MRT ang kanilang sinakyan.
Pagdating ng alas-singko ng umaga, nakarating sila sa Spittze Hotel sa Pratunam, Bangkok, kung saan sila nagdesisyon na manatili. Ang apat na gabi at isang araw sa hotel ay nagkakahalaga ng ₱10,257.30, at binigyan ito ni Kevin ng rating na 4.9 out of 5.

Kinabukasan, ipinakita ang kanilang pagbisita sa Silom Thai Cooking Class na nagkakahalaga ng 2,289.63 baht bawat isa. Sa tulong ni Master Mee, natuto sila ng limang putahe kabilang ang Tom Yum Kung, Pad Thai, Som-Tam, Green Curry Paste, at Green Curry Chicken.

Kasunod nito, nagpatuloy ang kanilang mga aktibidad kabilang ang pagbisita sa Ancient City at Erawan Museum na may halagang ₱2,729.60 para sa dalawang tao kasama na ang buffet meal.
Para kay Kevin, sulit ang bayad dahil walang tapon sa mga makikita at masasarap din ang pagkain, kahit mainit ang panahon.

Sa unang dalawang araw, umabot sa 4,103.12 baht o ₱9,962.27 ang kabuuang gastos nina Kevin at Abi, hindi pa rito kasama ang airfare at hotel.
Sa huling bahagi ng vlog, ipinasilip ni Kevin ang kanilang food trip sa ikatlong araw at inihanda ang mga manonood para sa kanilang mga susunod na adventures sa Thailand.
Netizens’ Comments
Samantala, hinangaan ng mga manonood ang malinaw na storytelling at maayos na editing ng vlog ni Kevin, at marami ang sabik sa sunod na parte nito.
@vicon5217: “I really love the story telling and outline ng every vlog mo, Kuya. Galing niyo ni Abi. Mag iingat palagi.”
@DanielMartinez-ux7hk: “Solid ng pagka-edit at pagka-sunod sunod. Nakakamiss [ang] Thailand.”
@princessdianelenchico6821: “Waiting for part 2, Kuys!”
@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo, Team Broodie and Abi!”
@dazamatz: “More of this!!!!!”
Watch the full vlog below:
