
Sa katatapos na Star Magic All Star Games 2025, tampok ang presensya ng Team Payaman Girls na buo ang suporta sa Anbilibabol Basketball Team na humarap sa Star Magic Shooting Stars para sa isang rematch.
Bukod sa laro, umani sila ng atensyon mula sa mga manonood dahil sa kanilang all-out cheer para sa kani-kanilang partners na bahagi ng Team Anbilibabols.
Supportive TP Girls at ASG
Sa kabila ng matinding laban ng Anbilibabol Basketball Team sa naganap na Star Magic All Star Games 2025 noong July 20 sa Smart Araneta Coliseum, kapansin-pansin ang suporta ng Team Payaman Girls na sina Viy Cortez-Velasquez, Vien Iligan-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, Clouie Dims at Aki Angulo-Macacua para sa kanilang mga partners na bahagi ng nasabing kupunan.
Bago pa man magsimula ang laro, nagbigay ng nakakatuwang mensahe ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa pamamagitan ng isang Facebook post para sa kanyang asawa na si Lincoln Velasquez a.k.a. Cong TV, na siya ring playing coach ng Team Anbilibabols.
“Goodluck, mahal! Ipanalo mo ‘to, para mamaya hindi ka lang sa ring makaka three points…… pati sa puso ko,” ani Viy sa kanyang post.
Sa buong laro, ramdam ang aktibong presensya ng TP girls habang nasa courtside. Sa bawat tira at puntos ng Team Anbilibabols, hindi nawawala ang sigawan at palakpakan mula sa kanila na nagsilbing personal cheering squad ng buong kupunan.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng KreativDen Entertainment’s Managing Director na si Dianne San Pedro-Dioko ang ilang larawan mula sa naganap na All Star Games. Tampok sa kanyang post ang group photo kasama ang Team Anbilibabols at ang mga kuha niya kasama ang Team Payaman Girls.
Matapos ang laban, nagbahagi rin si Vien Iligan-Velasquez sa kanyang Facebook post ng ilang kuha mula sa laro ng Team Anbilibabols. Kasama rito ang litrato nila ng kanyang asawang si Marlon Velasquez Jr. a.k.a. Junnie Boy, pati na rin ang kuha kasama ang muse ng Team Anbilibabols na si Chino Liu a.k.a. Tita Krissy Achino at si Clouie Dims.
Good Vibes from TP Girls
Bilang dagdag na suporta, naghatid ng good vibes ang Team Payaman Girls sa pamamagitan ng kanilang TikTok entry ng sikat at nakakatuwang “Bam Bam Challenge” gamit ang kantang ‘Despacito’
Samantala, nakuhanan naman ng ilang manonood ang kanilang mga supportive moments sa courtside para sa Team Anbilibabols, kaya naman marami ang nagbahagi ng kanilang mga larawan at videos sa social media.
