
Nag-alab ang excitement noong Linggo, July 20, sa nagdaang Star Magic All-Star Games 2025 nang muling magharap ang Star Magic Shooting Stars at ang Team Payaman Anbilibabols para sa isang rematch sa Araneta Coliseum.
Tunghayan ang mga tagpo sa nasabing rematch na talaga namang nagpayanig hindi lamang sa basketball court, kung hindi pati na rin online.
Buwis-Buhay Performance
Isa sa mga ‘highlights’ ng nasabing laro ay ang surpresang musical performance na pinangunahan ng Team Anbilibabols’ playing coach na si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV.
Akala ng lahat, walang hinandang performance ang Team Payaman matapos matunghayan ang PGT-level performance ng Star Magic boys.
Ang mga katagang “Katapusan n’yo na,” at “Kabahan ka na Donny!” ang ilan lamang sa mga tumatak sa mga manonood na naging sagot ni Cong sa mensahe sa kanya ng Team Captain ng Star Magic boys na si Donny Pangilinan.
Kasama ni Coach Cong ang kapwa TP members na sina Junnie Boy, Boss Keng, Dudut, Burong, Yow, Carding, Bok, Steve, Nelson, Matthaios, Igme, Chris, at Patrick, na sabay-sabay nagpakitang-gilas kasama niya.
Sa kabilang grupo, star-studded ang lineup ng Team Shooting Stars na pinangunahan ng coach na si Gerald Anderson at Team Captain na si Donny Pangilinan. Ilan rin sa kanilang mga manlalaro ay sina Emilio Daez, River Joseph, Elyson de Dios, JV Kapunan, Argel Saycon, at former MVP Ashton Salvador.
Samantala, present naman ang supportive wives and girlfriends ng ilang TP players na sina Viy Cortez-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, Vien Iligan-Velasquez, Clouie Dims, at Aki Angulo na nakuha pang mag-upload ng kanilang TikTok entry bago ang laro.
The Rematch
Naging mainit ang laban nang magharap na ang dalawang basketball teams sa loob ng court. Minsan nang nalamangan ng Team Shooting Stars ang Team Anbilibabols ngunit nagulat ang lahat ng makahabol ang mga ito.
Hindi rin nagpahuli ang Anbilibabol Star Player na si Yow Andrada na pinatawa ang buong Araneta sa kanyang courtside antics para makahabol ang team mula sa tambak.
Matapos ang puspusan at makapanindig balahibong batuhan ng bola, nanaig ang Team Shooting Stars na may 73 puntos habang ang Team Anbilibabols naman ay may 70 na puntos.
Hindi naman umuwing luhaan ang Team Payaman dahil muling napabilang sina Nelson Mendoza, a.k.a. Sonny J at Patrick sa Mythical 5.
Netizens’ Comments
Hindi lang players ang nagpasiklab sa Star Magic All-Star Games 2025, dahil pati ang mga manonood ay panalo sa kanilang mga natatanging reaksyon.
Prince Val Pananganan: Okay lang talo, at least gwapo na si Coach — may pogi na sa grupo!
Biboy Borja: Grabe ‘yung assist ni Waldo, imaginary assist talaga!
Jay Hizon: Si Yow talaga ang secret weapon ni Coach Cong!
Nami San: Nilaro lang ‘yung laban pero dikit pa rin ang points — what more kung sineryoso pa!
Grace Ama: HAHAHAHAHA! Akala ko mayabang na si Donny, mas mayabang pala si Cong — kumanta pa nga! May bago pang jawline ‘yan, HAHAHAHA!
Rizalyn Lomibao: Grabe ‘yung pasabog kanina, naging Greatest Congman talaga!
