TOP TRENDING: Zeinab Harake and Ray Parks Are Married!

Opisyal na ngang ibinigay ng content creator na si Zeinab Harake at professional basketball player na si Ray Parks ang kanilang matatamis na ‘I Do’ sa isa’t-isa.

Usap-usapan ngayon sa mundo ng social media ang pinaka-inaabangang pag-iisang dibdib nina Zeinab at Ray.

#ZEINABfoundherRAYtone

Ginulat ng vlogger na si Zeinab Harake, hindi lamang ang kanyang mga Zebbies, kung hindi ang mundo ng social media nang ibahagi nito ang mga tagpo sa kasal nila ng ngayo’y kanyang asawa na si Bobby Ray Parks Jr.

Umabot na sa mahigit tatlong milyong views ang wedding vlog nina Zeinab at Ray, dahilan upang maging usap-usapan ito online.

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Zeinab at Ray nitong June 1, 2025 sa Crystal Palace of Aquila in The Sky sa Tagaytay, araw din ng kanilang anibersaryo bilang mag-nobyo.

Outdoor wedding with red motif ang tema ng kanilang kasal na s’yang dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Present sa kasalang Zeinab at Ray ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez bilang isa sa kanilang mga bridesmaid.

Nakiisa rin ang ilang mga personalidad gaya nina Alex Gonzaga-Morada, Toni Gonzaga-Soriano, Yassi Pressman, Andrea Brillantes, Loisa Andalio, Jelai Andres, Donnalyn Bartolome at marami pang iba. 

Mas naging emosyonal ang mga tagpo nang magbahagi ng kani-kanilang mga mensahe ang mga kamag-anak nina Zeinab at Ray matapos ang seremonya.

Labis din ang pasasalamat ng mga anak nina Ray at Zeina na sina Lucas at Bia sa pamilyang kanilang nabuo.

“I love you Daddy Ray and Mommy!” mensahe ni Bia.

Congratulatory Messages

Samantala, marami sa mga tagasuporta at mga tagapanood ang nagpahatid ng kanilang pagbati para kina Mr. and Mrs. Parks.

@Donnalyn: “All the best wishes Parks family! This is what an answered prayer looks like. God is always good, you just have to have faith while He writes your beautiful life story, a testament of how much He loves you.”

@Itsmelissaenriquez: “I am glad to witness your journey Mr. and Mrs. Parks! Mahal ko kayo!”

@kweenie6977: “Na feel ko yung pagpipigil ng luha ni Ms. Toni. Imagine mo, na interview pa nya si Zeinab nung lowest point nya, sobrang broken hearted. Pero ngayon, look at her!”

@alenablaza0910: “Umiyak na ba ang lahat? You’re God’s grace in physical form!  Grabe, speechless.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

‎Team Payaman’s Clouie Dims and Chino Liu Share Their First Head Spa Experience

‎ Isang super relaxing na 'SPAdventure' ang ibinahagi ni Clouie Dims sa kanyang pinakabagong YouTube…

2 days ago

Team Payaman’s Boss Keng Launches Playhouse Pickle in Bacoor, Cavite

Isang bagong pasilidad para sa mga mahihilig sa pickleball ang binuo ng Team Payaman vlogger…

3 days ago

Cong TV Captures Hearts with Aaron Oribe’s Journey in Latest Vlogs

Isang nakakaantig na pangyayari ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Cong TV sa…

4 days ago

Tokyo Athena Charms Netizens With Adorable Mulan-themed Photoshoot

Wala na namang mapaglagyan ng gigil ang mga netizens sa overload cuteness na hatid ng…

4 days ago

Get Creative and Start Building with TP Kids’ All-New Building Blocks

As kids grow older, they crave fun and memorable bonding moments without spending the entire…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spends a Day in the Life as a ‘Sepulturera’

Isa na namang kakaibang karanasan ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

This website uses cookies.