
Sa isang mini vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Mommy Viy Cortez-Velasquez ang exposure trip experience ng kanilang panganay na si Zeus Emmanuel, a.k.a Kidlat.
Alamin kung bakit nga ba mahalaga para sa mga bata ang pagkakaroon ng ganitong klaseng mga aktibidad.
TP Kids’ Fun Day Out
Kwento ni Mommy Viy, nagpunta ang kanilang pamilya sa Yoki’s Farm, isang orchidarium, hydroponics farm, museum, and animal sanctuary, bilang parte ng summer activity na inihanda ng homeschool teacher ni Kidlat na si Teacher Faye Hernando.
Kasama nilang pumunta rito ang iba pang homeschool students ni Teacher Faye pati ang mga magulang nito, gaya na lang ng bunso nina Junnie Boy at Vien na si Alona Viela, at panganay nina Boss Keng at Pat Gaspar na si Isla Patriel.
Kwento naman ni Mommy Viy, hindi muna nila kasama si Baby Tokyo dahil masyado pa siyang bata para sa ganitong aktibidad.
Ngunit, ibinahagi rin niya na hindi na sila makapaghintay na mai-gala si Tokyo at mabalikan na lang nila ang lugar sa tamang panahon.
“Talagang nakaka-excite kapag dalawa na sila. Lahat ng mga pinuntahan natin na pinakita natin kay Kidlat, babalikan natin ulit,” ani Mommy Viy sa kaniyang asawa na si Lincoln Velasquez, a.k.a Daddy Cong.
Isa sa ikinatuwa ng TP Kids ay ang makakita ng iba’t ibang uri ng farm animals kagaya ng Zebra, Ostrich, Gorilla, Piglets, at marami pang iba, pati na rin ang pagpapakain sa mga ito.
“Kuya, pagsama samahin lahat [ng farm animals] sa isang lugar,” biro ni Daddy Cong.
Kita naman sa mga photo at video updates ng mga TP Parents ang saya ng mga magpipinsan sa kanilang naging day trip.
Exposure Trip
Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng exposure trip ay mahalaga para sa development ng isang bata.
Maliban sa masayang karanasan at pagbuo ng panibagong mga alaala, ito rin ay mabisa sa pagpapahusay ng kanilang communication skills, social skills, at aplikasyon ng kanilang theoretical knowledge to interactive events and real-world experiences.
Sa kaniyang Instagram story, nagpaabot naman ng pasasalamat si Teacher Faye sa active participation ng kaniyang mga estudyante pati na rin ng kanilang mga magulang sa kabila ng mainit na panahon.
“Had so much fun with everybody! Thankful for this day out. Enjoyed seeing the kids enjoying, and the parents too,” mensahe ni Teacher Faye.
Watch the full video below:
