
Isang emosyonal na tagpo ang ibinahagi ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez nang ipanganak nito ang kanilang unica hija na si Baby Tokyo.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Viy ang mga paghahanda bago ang araw ng kanyang panganganak, pati na rin ang emosyonal na pagtatagpo sa pagitan nina Kidlat at Tokyo.
Preparing for Tokyo’s Arrival
Habang naghahanda para sa kanyang scheduled C-section delivery, ibinahagi ni Viy ang kanyang honest thoughts bilang isang ina.
Ayon sa kanya, bagama’t pangalawang beses na niya ito, hindi pa rin nawawala ang kaba sa tuwing siya’y sasailalim sa operasyon.
Binalikan niya ang kanyang karanasan noong ipanganak ang panganay niyang si Kidlat at ikinumpara ito sa mga naramdaman niya ngayon kay Tokyo.
Ikinuwento rin niya na kahit alam na niya ang mga mangyayari, may halong takot pa rin ang paghihintay sa loob ng operating room.
Bukod sa pagiging hands-on mom, makikita rin kung paano niya inihahanda ang sarili—mula sa pagkulot ng buhok hanggang sa pagpapaganda para sa araw ng kanyang panganganak.
Isa rin sa mga paghahandang ginawa nina Viy at Cong ay ang stem cell banking para kay Tokyo, tulad ng ginawa rin nila noon para kay Kidlat. Ayon kay Viy, mahalaga ito para sa future health ng kanilang mga anak.
A Heartwarming Moment
Matapos ang operasyon, ipinakita sa vlog ang makabagbag-damdaming eksena kung saan unang nasilayan ni Kuya Kidlat ang kanyang baby sister na si Tokyo Athena.
Bagama’t tahimik si Kidlat, makikita sa kanyang mga mata ang damdaming punong-puno ng emosyon habang ipinapakilala nina Viy at Cong ang kanilang bunso sa kanya.
Netizens’ Comments
Samantala, maraming netizens ang naantig sa reaksyon ni Kidlat, lalo na nang mapaluha siya habang ipinakikilala sa kanya ang kanyang kapatid.
@cheriessantiaguel6811: “Naiyak ako dun sa last part nung naging teary eyed si Kidlat and nung tumulo na talaga yung luha niya hahahaha ewan ko pero na-touch ako sobra. Congratulations, kuya Cong & ate Viy!”
@krishdvmac: “Naluha naman ako ang genuine naman ng reaction ni Kidlat. Kakatuwa. Akala mo’y matanda na eh. Ibang iba sa ibang bata na magkakaroon na ng kapatid. Hihi. So cute. Nakakatouch.”
@sharilmalana1512: “Kidlat ba’t ka naman nagpapaiyak. ‘Yung reaksyon mo napakaprecious naman. Iba talaga nabibigay saya ng baby. Kahit toddler nararamdaman ang ‘di mapaliwanag na saya. Congrats CongViy at kuya Kidlat.”
Watch the full vlog below:
