This Is How Doc Alvin Achieved His Fitness Goals with Simple Calorie Tracking

Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng healthier lifestyle ngayong 2025, ngunit  hindi alam kung saan magsisimula. 

Kaya naman, nagbahagi ang resident doctor ng Team Payaman na si  Doc Alvin Francisco, o mas kilala bilang “Doc Alvin,” ng kanyang sikreto sa kanyang sustainable fitness journey.

The Key to Weight Loss

Sa bagong  Instagram reel ni Doc Alvin, ibinahagi niya ang simple at epektibong paraan kung paano siya nagbawas ng timbang sa tulong ng calorie deficit.

Ayon kay Doc Alvin, ang calorie deficit ay ang pagbawas ng kinokonsumo na calories sa pang-araw-araw kumpara sa calories na natural na nababawas ng katawan. 

Sa madaling salita, kailangang mas mababa ang calorie intake kaysa sa energy expenditure upang makamit ang pagbabawas ng timbang. Sa nasabing video, ipinaliwanag niya kung paano magsisimula sa prosesong ito. 

Upang malaman kung ilang calories lang ang dapat kainin, ipinapayo niyang gumamit ng TDEE Calculator. Ito ay isang online tool na makakatulong tukuyin ang daily calorie needs batay sa edad at level ng physical activity ng isang tao.

Matapos sagutan ang mga ito, lalabas ang resulta ng bilang ng calories na kailangan ng katawan araw-araw. Mula rito, kailangan lamang magbawas ng 250 calories upang makuha ang tamang calorie intake para sa pagpapapayat. 

Pagkatapos makuha ang tamang bilang ng calories, payo ni Doc Alvin na mahalaga ang patuloy na pagsubaybay sa mga kinakain sa buong araw. 

Isa sa kanyang mga tips ay ang paggamit ng mga aplikasyon gaya ng MyFitnessPal app upang ilista ang pagkaing nakonsumo sa isang araw.

Makikita sa nasabing app kung ilang calories na ang nakonsumo at kung ilan pa ang natitira para sa araw na iyon. 

Sa ganitong paraan, mas madaling mamonitor ang daily calorie intake ng isang tao, dahilan upang mas maging mapadali ang pagbabawas ng timbang.

How Calorie Deficit Changed His Body

Sa dulo ng kanyang video, ibinahagi ni Doc Alvin ang pagbabago sa kanyang katawan matapos niyang sundin ang pamamaraang ito.

Ayon sa kanya, hindi naging madali sa simula, pero dahil sa kanyang tyaga at determinasyon, naging bahagi na ng kanyang lifestyle ang mindful eating.

“Minsan talaga mahirap sa umpisa. Pero kapag inaraw-araw natin yan, magiging habit natin yan,” aniya.

Hinikayat din niya ang kanyang mga manonood na subukan ang kanyang technique at ibahagi ang kanilang mga resulta.

Watch full video below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.