Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here!

March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon, ipinanganak na ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanilang munting prinsesa.

Matapos ang siyam na buwang paghihintay, buong galak na sinalubong ng Team Cortez-Velasquez ang bagong adisyon sa kanilang munting pamilya.

Priceless Joy

Bago tuluyang manganak, isang Japanese at Goddess-inspired photoshoot ang hatid ng Team Payaman momma na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang social media posts bilang pagdiriwang sa pagdating ni Baby Tokyo.

Umaga ng Marso 30,  ibinahagi ng excited parents ang kanilang abot-langit na tuwa sa pagdating ng kanilang unica hija na si Baby Athena Tokyo.

“Ang bilis! Parang kelan lang +1 ulit!” aniya sa kanyang social media post.

Hindi rin pinalampas ni Mommy Viy na gawin ang kanyang pre-birth makeup look na kanya ring ibinahagi sa isang social media post.

“Manganganak muna ang ferson,” aniya sa nasabing GRWM video.

Welcome, Baby Tokyo!

Sa wakas, nasilayan na sa kauna-unahang pagkakataon ng pamilya Cortez-Velasquez ang unica hija nina Viviys at Cong TV.

Maya-maya pa’y ipinasilip na ng happy mommy ang kauna-unahang litrato ni Baby Tokyo Athena kasama ang kanyang Kuya Kidlat.

“Unang kita ng magkapatid,” aniya.

Dumagsa naman ang mga pagbati ng mga taga-suporta ng Team Payaman sa ligtas na panganganak ni Viviys.

Joshlyn Salome: “Congratulations to the both of you po! God bless!”

Dyan Villarias: “Such a precious moment!”

Lanny Pang: “Congrats Viviys and God bless!”

Helen Lucinisio Maglalang: “Congrats,  God bless!”

Aileen Sebidos: “Congratulations, Viy, Sir Cong, at Kuya Kidlat! Tears of joy ba ‘yan, kuya Kidlat? Welcome  to world baby Tokyo!”

Welcome to the world, Baby Athena Tokyo! Abangan ang mga tagpo sa vlog ni Viviys!

Yenny Certeza

Recent Posts

This Is How Doc Alvin Achieved His Fitness Goals with Simple Calorie Tracking

Marami sa atin ang nangangarap magkaroon ng healthier lifestyle ngayong 2025, ngunit  hindi alam kung…

15 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

3 days ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

3 days ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

4 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

5 days ago

This website uses cookies.