Zeinab Harake Takes on The Wildest Lie Detector Challenge

Isa na namang masaya at puno ng rebelasyong episode ang inihandog ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel. 

Sa pinakabagong episode ng kanyang Lie Detector series, inimbitahan niya ang kanyang mga followers na magpadala ng mga tanong na kanyang taas noong sasagutin. 

Zeinab Gets Real 

Sa kanyang bagong YouTube upload, taas noong tinanggap ni Zeinab Harake ang hamon ng Lie Detector Challenge na kung saan ang mga katanungan ay nanggaling sa kanyang mga followers. 

Walang oras na pinalampas si Zeinab kung kaya’t agad nitong sinagot ang mga tanong patungkol sa kanyang kagustuhang bumalik sa show business.

Siguro at the moment kasi, meron pa rin ako sa utak ko na gusto ko siyang i-continue, pero hindi naman natin hawak yung panahon,” ani Zeinab. Ngunit, agad din siyang naging tapat at inamin na ang sagot niya talaga ay: “No at the moment.”

Nang tanungin ang mga pinagsisisihan ni Zeinab sa kanyang buhay, taas noo rin nitong sinagot ang nasabing tanong.

Madami akong actions sa buhay ko na pinagsisisihan ko,” sagot niya nang direkta. “Kasi at that time, 19 years old pa lang ako, kakapasok ko lang ng 20s. Syempre bata ako, lost kid talaga ako,” paliwanag n’ya.

Kaakibat na ng pagiging kilala ang mga katanungan patungkol sa pagpaparetoke o cosmetic surgeries, na s’yang hindi tinakasang sagutin ni Zeinab.

“Never, never pa,” sagot niya. “Ang nagawa ko lang is lip filler, pero hindi siya surgery. Ang height ko, katawan ko, lahat natural. At nagpapasalamat ako sa nanay at tatay ko, at syempre sa Diyos, dahil sila gumawa ng gandang ito.”

Isa sa mga napag-usapan ay ang pagiging approachable ni Zeinab sa kanyang mga fans sa totoong buhay. 

Inamin niyang hindi siya laging nasa mabuting mood, lalo na’t nagkaroon siya ng social anxiety at nervous breakdown noon. 

Ito at ilan pang mga katanungan ay walang pagdadalawang isip na sinagot ni Zeinab nang buong tapang at taas noo.

Sa pamamagitan ng kanyang Lie Detector episode, mas naging malapit siya sa kanyang followers, at mas marami pang Zebbies ang lalong humanga sa kanyang katapatan at pagiging totoo sa sarili.

Netizens’ Comments

Marami ang natuwa sa pagbabagong natamo ni Zeinab, dahilan upang ipahatid ang kanilang pagbati sa naturang vlogger.

@iyaLovesLife: Ang ganda makita na nag transform talaga si Zeinab spiritually dahil sa faith niya kay God. Nag blossom and flourish not just her career but in every aspect of her life talaga. Thank you Zeinab for continuing on giving us a glimpse of your life. Kaya patuloy lang kaming mga Zebbies to support you”

@marcjimuelcampos3445: “Good influence talaga si Daddy Ray kay Zeinab kasi maka diyos na din si mommy Z she’s growing up grabe yung self improvements niya we are so proud of you mommy Z!”

@keipelegrino5274: “While watching this video, I really can feel that Zeinab has really matured. Her words are full of wisdom, and you can really see how much she has grown. Kapag nasa healthy and genuine relationship ka talaga, it really brings out the best in you. You can see how Zeinab has become more mature and wiser, and maybe it’s because she’s finally in a relationship where she’s genuinely loved and valued. Love really does hit you differently when you’re with the right person.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
7
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *