
Bukod sa pagkanta, pagluto, at pagiging full-time momma, maraming aktibidad ang nais masubukan ng momma vlogger na si Angeline Quinto.
Tunghayan kung paano nga ba napagtagumpayan ni Angge ang pagbebake ng Chocolate Cake sa kauna-unahang pagkakataon.
Baking with Mommies
Sa bagong episode ng Game AQ Diyan series ng actress-singer na si Angeline Quinto, taas noo niyang tinanggap ang hamon ng pagbe-bake kasama ang kapwa vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.
Binisita ni Angge si Viy sa kanilang tahanan, kasama ang professional baker na si Gel Colet, ang may-ari ng Swell Sweets Cake Lab, na gumabay sa dalawa pagdating sa proseso ng pagbuo ng chocolate cake.
Kahit parehong walang experience sa baking at bitbit lamang ang kagustuhan na mapasaya ang kanilang mga anak, nasubok ang pasensya at determinasyon nina Mommy Viy at Mommy Angge sa pagbuo ng bento-sized cakes.
“Ni-recommend ko ang bento-sized Chocolate cake kasi ‘yun ‘yung pinaka-popular at madaling pakainin sa bata o matanda,” ani Gel.
Pursigidong tinapos ng mag-ina ang bawat proseso mula sa pagkilala sa mga baking equipments, paghalo ng dry ingredients sa wet ingredients, paglalagay ng parchment paper, paggawa ng icing at marshmallow fondant, hanggang sa pagdidisenyo ng cake gamit ang icing.
Happy Kiddos, Happy Mommas!
Nakabuo si Mommy Viy ng Spiderman-themed chocolate cake, dahil hilig ito ng kanyang unico hijo na si Kidlat.
Samantala, naisip ni Mommy Angge na gawan ng school bus-themed na disenyo ang kanyang ginawang cake para kay Sylvio.
Sa huli, inimbitahan ng mag-ina ang kanilang mga anak upang makita at matikman ang ginawa nilang Chocolate cakes, at aprub naman ito ng dalawang chikiting.
Kwento ng dalawa ay napaka-therapeutic sa pakiramdam ang baking at biro nila ay mas mainam na itong gawing libangan imbes na makipag-away sa asawa.
“Sobrang na-enjoy ko ‘tong pagbe-bake. Ang gandang matutunan talaga ang baking kasi tingnan mo naman ang mga bata, mahilig sila sa mga sweets so pwede ka pang gumawa ng design na magugustuhan nila,” ani Angeline.
“Pero kapag may ginagawa ka kasi para sa anak mo tapos nagustuhan niya, okay na ‘yun. And bonding din ito eh, bonding ng mag-ina, kaya ang sayang experience,” ani naman ni Viy.
Watch the full vlog here:
