Pat Velasquez-Gaspar Happily Shares Pregnancy Update; Reveals 2nd Baby’s Gender

Dalawang linggo matapos ang kanilang maikling bakasyon sa Bali, Indonesia, unti-unti nang naghahanda ang mag-asawang Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng para sa pagdating ng kanilang bunso.

Tunghayan ang ilan sa mga updates sa muling pagbubuntis ni Pat at ang reaksyon ng mag-asawa sa unang pagsilip sa kanilang bagong baby.

First Ultrasound

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang mga manonood sa kauna-unahang transvaginal ultrasound nito upang masilip ang kanyang ikalawang supling.

“In Jesus’ name, sana may heartbeat na si Baby,” hiling ni Pat.

Kasama nito ang asawang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng upang ipahatid ang kanyang suporta sa kanyang mag-ina.

Ibinahagi rin ng mag-asawa na labis ang pagkatuwa nila sa pagdating ng kanilang pangalawang anak.

“Sobrang saya namin ni Keng kasi itong batang ‘to, habang nabubuo sa aking tiyan ay planado talaga namin,” kwento nito.

Dagdag pa ni Pat: “Sinabi ko rin kay Keng na after mag-one year old ni Isla, sundan na namin.” 

Nagtungo ang mag-asawa sa Hello Baby na matatagpuan sa Fisher Mall sa Quezon City, na kanila ring naging katuwang habang ipinagbubuntis noon ang panganay si Isla Patriel.

“Grabe ang alaga dito! Trusted [namin sila]! At tsaka ‘yung pictures ng baby namin, ang linaw,” saad ni Pat.

Laking tuwa ni Pat nang malaman na buo at may may heart beat na ang kanyang ipinagbubuntis.

“Ayan na s’ya oh! Ayan, may heartbeat Dad [Keng]!” aniya.

Sagot naman ni Boss Keng, “Excited na ako!”

Bukod sa ultrasound, hindi rin nawawala sa listahan ni Mommy Pat ang regular na pagbisita sa doktor, at pagkakaroon ng iba’t-ibang klaseng laboratory tests upang masiguro ang kalusugan ng kanyang anak.

Dahil tapos nito sa kanyang mga tests, oras na para malaman ang kasarian ng kanilang 2nd baby.

Gender Reveal

Dahil sa sobrang excitment, agad na inalam ng mag-asawang Boss Keng at Pat ang kasarian ng kanilang bunso, na kanilang ipinasilip sa bagong vlog.

Naghanda ng gender reveal party ang mag-asawa kasabay ang selebrasyon ng kaarawan ni Boss Keng nitong Setyembre 9, na dinaluhan ng ilan sa kanilang mga malalapit na kamag-anak at mga kaibigan.

Nalaman ng lahat ang kasarian ni Baby #2 sa pamamagitan ng paglalaban ng dalawang mascot, kung saan ang matitirang matibay ang magsisimbolong kasarian ng kanilang baby. 

Matapos ang limang rounds ng paglalaban, walang humpay na hiyawan ang sumalubong sa Pamilya Gaspar nang mapatumba ang babaeng mascot at lumabas ang asul na confetti.

Netizens’ Reactions

Gaya ng mag-asawa, hindi na rin magkamayaw ang mga netizens nang malaman ng mga ito ang  kasarian ng bagong Team Payaman baby.

Sa nasabing vlog, ipinahatid ng mga netizens ang kanilang pagbati sa pagdating ng bunsong kapatid ni Isla.

@GazellePascual: “Grabe ang hula ni ate mo sa Chinese calendar totoo talaga [laughs]. By the way, congrats ate Pat and Boss Keng!”

@CamsDPVlog2023: “Umiyak po ako kay Isla nun pati dito sa 2nd baby umiiyak ulit ako. Congrats po ate Pat and Boss Keng!”

@Rowena-nw6nt: “Congratulations! Sana magka baby na din po ako!”

Watch the full vlogs below:

Yenny Certeza

Recent Posts

This is the Ultimate Vietnam Shopping Guide According to Vien Iligan-Velasquez

Matapos ang Vietnam adVIENture ng Team Payaman momma na si Vien Iligan-Velasquez, isang bonggang shopping…

3 days ago

EXCLUSIVE RECAP: Viyline MSME Caravan Kicks Off the Fun at SM City Fairview

VIY-gger energy filled the Mall Atrium of SM City Fairview as the sixth leg of…

3 days ago

Junnie Boy Faces Mr. Long Bomb in a Basketball Match

Nagharap na sa isang basketball game ang Team Payaman Wild Dogs sa pamumuno ni Junnie…

3 days ago

EXCLUSIVE: Viyline’s MSME Caravan Set to VIYring the Fun to SM City Fairview

Following its successful stop in Sta. Rosa, Laguna, the Viyline MSME Caravan is bringing its…

6 days ago

Abigail Campañano-Hermosada and Kevin Hermosada Win Netizens’ Hearts with Selfless Advocacy

Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada handog ang isa sa mga…

7 days ago

YIVA by Yiv Cortez Launches Irresistible ‘Strawberry Pistachio’ Dessert

If you're always on the lookout for something new and exciting to satisfy your sweet…

7 days ago

This website uses cookies.