Sa wakas ay naganap na ang matagal nang hiling ng netizens na magkita ang dalawang legendary content creators ng kasalukuyang henerasyon na sina Cong TV at iShowSpeed.
Balik Pilipinas na ang sikat na American livestreamer na si Darren Jason Watskin Jr., o mas kilala bilang iShowSpeed.
Matatandaang unang bumisita si Speed sa Pilipinas nitong Setyempre at nag ikot sa Metro Manila, kung saan sumubok siyang kumain ng Siopao sa Binondo, sumakay ng Kalesa sa Intramuros at iba pang adventure.
Nakipagkita rin si Speed at ang Pinoy boxing legend na si Manny Pacquiao, at binigyan pa ito ng personal tour sa isa sa kanyang mga mansyon.
Cong x Speed in Cebu
Miyerkules, September 25, 2024 nang magkita sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Speed sa Cebu City at pinagbigyan ang hiling ng kanilang mga fans para sa isang collaboration.
“Welcome back to the Philippines!” pagbati ni Cong.
“I’m here back in the Philippines. We have to turn up, bro!” sagot naman ni Speed.
Kwento ni Speed, matagal nang hinihiling ng kanyang mga viewers na makita si Cong sa kanyang mga livestream sa Pinas at natupad na ito.
Sumakay sila sa jeepney kasama ang kani-kanilang team, dito tinuruan ni Cong TV si Speed kung paano pakalmahin ang kanyang mga fans na tila nagwawala sa tuwing siya ay makikita.
“Say ‘kalma… baby, kalma,’” pabirong turo ni Cong at paggaya sa kantang “Lagabog” na pinasikat ni Skusta Clee.
Tinuruan din ni Cong TV si Speed ng tamang pag-para o pagpapahinto ng jeep kung ito ay bababa na.
Sumubok naman si Speed ng iba’t ibang streetfood sa Cebu gaya ng chicken skin, Lansiao (Soup No. 5), at Tuslob Buwa.
“The one you eat… this one is a pig’s brain and the other one is the testicles, it’s an aphrodisiac,” pagbubunyag ni Cong sa mga sinubukang pagkain ni Speed.
Team Payaman Support
Samantala, all out naman ang suporta ng kapwa Team Payaman members ni Cong TV sa inaabangang pagkikita nila ni Speed.
“ISHOWSPEED X CONGTV ” ani ng misis ni Cong na si Viy Cortez-Velasquez sa isang Facebook post.
Pagbati naman ni Steve Wijayawickrama: “How’d I end up in a frame with the best content creator, @thecongtv, and the best live streamer, @ishowspeed? Talk about legendary moments! Philippines pt. 3”
Watch the full live-stream episode below: