7 Times Alona Viela’s ‘Sofer OA’ Mood Made Netizens Laugh

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang kwelang bunsong anak nina Vien Iligan-Velasquez at Junnie Boy na si Alona Viela dahil sa kanyang mga “sofer OA” mood at expressions.

Tunghayan ang ilan sa mga nakakatuwang tagpo na nagpapatunay na si Viela ay isang certified OA baby ng Team Payaman. 

1. Viela The Sofer OA

Laman ngayon ng social media account ni Vien Iligan-Velasquez ang mga pasilip sa OA moments ng bunso nitong si Alona Viela Velasquez. 

Kung ang kanyang kuya Mavi ay tinaguriang “Team Payaman MEME-ber,” hindi maipagkakaila na certified OA baby naman si Viela.

Sa isang Facebook reel, umani ng libo-libong “HAHA” reacts si Viela matapos ipakita ang kanyang nakakatuwang reaksyon sa pinapanood.

2. OA Smile

Isa rin sa mga kinagiliwan ng netizens ang cute na litrato ni Viela kasama ang nakababatang pinsan nitong si Isla Patriel Gaspar, na anak nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar.

Sa Facebook post ng kanyang Tita Pat, isa sa mga pumukaw ng pansin ng netizens ay ang abot-tengang ngiting ni Viela.

“Ang cute n’yo naman dalawa!” komento ng kanilang Lola Jovel.

3. No Wifi = Angry Viela

Dahil isa ang panonood ng children’s video sa YouTube ang pampalipas oras ni Viela, labis ang lungkot nito nang nawalan ng internet connection sa kanilang tahanan.

Sa isang naman Facebook post, isang grumpy Viela ang bumungad sa netizens matapos magtampo sa kanyang ina.

Biro naman ni Mommy Vien: “Sorry na nga eh!” 

“Sabi niya ang haba haba ng antenna sa buhok ko walang internet?!?!! Maygad!” biro naman ng kanyang Tita Pat.

4. No Lambing for Viela

Kung noon si Kuya Mavi ang pagod magpalambing, ngayon naman ay hindi na rin nagpalambing si Viela sa kanyang kuya.

Sa isang Facebook reel, ipinasilip ni Mommy Vien ang nakakatawang tagpo matapos iwasan ni Viela ang yakap ng kanyang Kuya Mavi.

“Nilagpasan ka?” tanong ni Vien sa kanyang panganay.

Sagot naman ni Mavi: “Walang pakialam si Viela!” 

5. Happy Tummy, Happy Viela

Isang OA moment din ang ipinakita ni Viela matapos magustuhan ang kinakaing tinapay, na ibinahagi rin ni Mommy Vien sa isang Facebook reel.

“Si OA talaga. Talagang gaganahan ka bumili ng tinapay araw-araw kung ganyan ang reaksyon mo 😂 #thebreadlover,” saad ni Vien.

Isa pa sa nagpalabas ng OA side ni Viela ay ang tagpo matapos ipatikim ng kanyang Tita Viy Cortez-Velasquez ang ginawa nitong banana loaf bread sa kanila ni Kidlat.

Umulan ng mga nakakatuwang komento ang Facebook reel ni Viviys na nagpapakita ng tagpo nina Kidlat at Viela habang kumakain.

Hannah Isabelle Bazan: “Hala si oa! ang cute ni kidlat at vielaboo.

Jeraldine Romano Dela Fuente: “Si OA talaga napakacute. Hahahaha!

Mae Envidiado: “Hahaha,ang cute nila!

Rio Cruz: “Mag ka-sing kulit sila…

6. Sepanx with Daddy Junnie

Samantala, Abril nitong taon, kinailangan lumipad sa Cebu ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy para sa trabaho.

Sa kanyang vlog, ibinahagi nito ang tagpo matapos makaramdam ng lungkot si Viela sa pagkakawalay sa kanyang ama.

“Dada… Dada, sama!” ani Viela.

Biro naman ng kanyang Daddy Junnie: “Susulat si Dada!”

7. OA Reactions

Isa rin sa mga kinagiliwan ng mga netizens ay ang nakakatuwang OA moment ni Viela habang naglalaro sa labas kasama ang kanyang Kuya Mavi at Dada Junnie.

“Si OA” wika ng kanyang ina.

Isang caught-on-cam reaction rin ang ibinahagi ni Mommy Vien sa kanyang Facebook post matapos nitong sawayin si Viela.

“Si OA pag sinaway” aniya.

“Grabe cute ni Viela kahit umiiyak!”

“Ganyan na ganyan po bunso ko, pag sinaway mag dadrama!” komento ng ilan.

Yenny Certeza

Recent Posts

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

3 hours ago

Tita Krissy Achino Spills Tea in Michelle Dy’s Latest Makeup Vlog

Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…

8 hours ago

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

10 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

12 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

4 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

This website uses cookies.