Alex Gonzaga Pulls Off Epic Car Surprise for Husband Mikee Morada

Ang matibay na samahan ng mag-asawa ay nabubuo sa pag-unawa, suporta, at pagtugon sa pangangailangan ng bawat isa.  Pinatunayan ito ng Filipino actress, comedian, at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada matapos maghanda ng espesyal at engrandeng regalo para sa kaniyang mister na si Lipa City Councilor Mikee Morada.

Special vlog

“For today’s video, napaka espesyal nitong video na ‘to para sakin dahil sa tagal naming nagde-date ni Mikee, ito medyo malaking purchase ang ibibigay ko para sa aking asawa,” panimula ni Alex.

Ibinahagi niya na si Mikee, bagama’t galante sa iba, talagang matipid pagdating sa kaniyang mga sariling gastusin. 

“Sinasabi niya praktikal, pero sa totoo lang matipid na papunta na sa kuripot,” biro pa ng aktres.

“Ako, bilang supportive wifey… alam niyo ‘yan mga asawa, tinitingnan natin or alam natin talaga from the heart kung ano talaga yung need talaga ng asawa natin. At kung kaya naman nating ibigay, why not?”

Kaya naman, nagdesisyon itong surpresahin ang mister ng isang brand new car kasabwat ang kaniyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

The Epic Prank

Pero bago tuluyang pasayahin ang asawa, pinatunayan pa rin ni Alex ang pagiging prank queen. Nilito muna niya si Mikee sa pagkuha ng isang luxury car na Porsche na kunwaring regalo sa mister habang hiniritan naman ito ni Mommy Pinty na kukunin ang kaniyang lumang kotse. 

“Mommy, ano ‘yung sinasabi mo sa’king request mo kay Mikee nung binili natin ‘yan?” tanong ni Alex kay Mommy Pinty habang patuloy ang diskusyon ukol sa luxury car.

“Yung Fortuner kukunin namin,” ani Mommy Pinty.

“Hindi ako [naniniwala]… alam mo namang hindi ako mahilig sa ganiyan, eh,” natatawang saad ni Mikee.

Habang sapilitang pinipirmahan ni Mikee ang mga papeles ng kotse, ‘saka binunyag ni Alex ang prank habang pinakita naman ang totoong surpresa kay Mikee.

Mikee’s Genuine Reaction

Nang i-reveal ang totoong sasakyan, isang brand-new Toyota Innova, makikita ang genuine reaction ng kaniyang asawa. Tagumpay ang surpresa ni Alex at talaga namang kitang-kita ang saya sa mukha ni Mikee habang tinitingnan ang kaniyang bagong sasakyan.

“Mas gusto mo ‘to kesa dun sa [Porsche]?” tanong ni Alex

“Eh kasi ito, magagamit ng lahat. Maraming makakasama,” nakakaantig na sagot naman ni Mikee.

Sobra ang pasasalamat ni Mikee sa natanggap na surpresa’t pagmamahal. “Hindi ako makapaniwala, siyempre nakakahiya rin, pero nagpapasalamat ako nang sobra sa aking in laws, sa aking mga biyenan, kay Mommy Pinty, kay Daddy Bonoy… at siyempre sa aking asawa, kay Alex Thank you, thank you po.”

Talaga namang on top palagi ang mga surpresa ng top YouTube vlogger na si Alex Gonzaga. Panoorin ang buong vlog sa kaniyang YouTube channel!

Alex Buendia

Recent Posts

Junnie Boy Gets Hooked on Pickleball with Team Payaman

Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga…

19 hours ago

The Third Wave of the Team Payaman Cap Is Coming to Life, Cong Clothing Confirms

It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…

2 days ago

Get First Dibs on Cong Clothing’s Limited Edition ‘Aura Revival Collection’

A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…

3 days ago

Sizzling-Hot IG Poses We’re Loving from TP’s Recent Visayas Trip

Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa…

3 days ago

5 Ways to Enjoy Novellino x Team Payaman Wine for Every Occasion

Looking for a drink that brings the fun without the alcohol? Novellino x Team Payaman…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Comes Back with a ‘Buwis-Buhay’ Team Payaman Fair Announcement

Isa na namang buwis-buhay content ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.…

4 days ago

This website uses cookies.