Ginulat ng doctor content creator na si Doc Alvin Francisco ang kanyang mga tagasuporta sa pag-anunsyo ng nalalapit nitong kasal sa long-time girlfriend nitong si Maki Bondoc.
Si Doc Alvin ay isa sa mga kaibigan at resident doctor ng Team Payaman na ilang beses na rin nilang nakasama sa mga vlogs at maging sa Team Payaman Fair.
Umani ng libo-libong reaksyon ang Facebook post ni Doc Alvin Francisco, kung saan ipinasilip nito ang pre-wedding video nnila ng fiancé na si Doc Maki Bondoc.
Personal na lumipad ang soon-to-be-wed couple sa England, United Kingdom upang isagawa ang kanilang nakakakilig na prenuptial shoot.
Doble ang kilig na hatid ng prenup video ng soon-to-wed couple dala ng nakaka-antig na background music na “Musika” na inawit ng rising OPM star na si Dionela.
Bukod sa kanilang prenup short film, nagbahagi rin ang Nice Print Photography ng ilang mga litrato sa nasabing prenup shoot nina Doc Alvin at Doc Maki.
Ang nasabing prenup shoot ay may temang “vintage” na kung saan bumida rito ang ilan sa mga makasaysayang pook sa London gaya ng St. Paul’s Cathedral.
Dahil hindi gaanong bukas si Doc Alvin pagdating sa kanyang buhay pag-ibig, hindi naiwasan ng netizens na magulat sa kanyang balita.
Gaya ng inaasahan, marami ang nagulat at nagagalak sa anunsyong hatid ni Doc Alvin Francisco sa kanyang mga manonood.
John Aquino Sandil: “Congrats sa inyo, Doc Alvin!”
Riza Borrico: “Nakangiti ako mula umpisa hanggang dulo, Doc Alvin! I’m so happy for you. Buti na lang may Doc Alvin na rin ako ng buhay ko at hawig mo pa! [May] God Bless [the] both of you po. Congrats, doc!”
Marisganda Ganda: “Lovely concept! Congratulations!”
Pabirong sagot naman ni Doc Alvin, “Salamat po sa inyong suporta. Sana nagulat kayong lahat!”
Watch the full video below:
More than just being content creators, Viy Cortez-Velasquez and Yiv Cortez are now the faces…
Muling naghatid ng saya ang magkapatid na Tokyo Athena at Zeus Emmanuel, a.k.a. Kidlat, sa…
Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…
Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…
Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…
Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…
This website uses cookies.