“If you can laugh together, you can work well together.”
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang madalas na bardagulan moments nina Viy Cortez-Velasquez at kaniyang video editor na si Carlo Santos. Partikular na inaabangan ang online kulitan ng dalawa sa tuwing may inaabangang vlog kay Viviys.
Balikan natin ang ilan sa mga pinaka nakakaaliw na tagpo sa pagitan ng tambalang Viviys at Carlo na talaga namang nagpahalakhak sa netizens.
Wedding vlog moments
Isa sa nagpa-ingay ng pangalan ni Carlo Santos sa social media kamakailan lang ay noong hinahanap sa kanya ng makukulit na netizens ang wedding vlog ng bagong kasal na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez.
“Ang hirap pala pag sa personal hinanap yung vlog,” ani Carlo sa kanyang Facebook post na may kasamang nakakatuwang litrato habang katabi si Viviys at naka-irap.
Sagot naman ni Viviys: “‘Pag ako ‘di naiyak diyan Carlo, sinasabi ko sa’yo.”
Noong sa wakas ay na-upload na ang pinakaaabangang #PerfectCongViynation vlog ay nagawa pa niyang batiin ang amo ng “Magandang gabi, boss” sa isang Facebook status na ikinatuwa naman ng mga netizens.
Prenup Shoot
Isa rin sa nakakatawang tagpo na nakita sa dalawa ay sa kalagitnaan ng horseback riding-themed prenup shoot ni Viviys, kung saan kabado siyang nakasakay sa kabayo na si “Dodong.”
Pabiro namang nagbitaw si Carlo ng mga salitang “Dodong, run!” bilang pabirong utos sa sinasakyang kabayo.
Content creator things
Bilang video editor, isa si Carlo sa mga unang nakakasaksi sa mga behind-the-scenes nang pagiging content creator ni Viy. Kaya naman, isa rin siya sa unang nagpapakita ng suporta rito.
Kagaya na lang ng isang “content idea” na naisip umano ni Carlo para kay Viy na kilala sa kaniyang intro greetings na “Hi, mga Viviys!”
“Viy, may video idea ako,” ani Carlo na sinagot naman ni Viviys ng “Grabe nakakatawa.”
Supportive sibling moment
Kahit pagdating sa negosyo ay all-out din ang suporta ni Carlo kay Viviys sa nakakatawang paraan.
Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Carlo ng litrato ni Viviys habang gumagawa ng video content sa sasakyan at tila walang dalang phone holder, kung kaya gumamit na lang ito ng tape upang idikit ang kanyang phone sa sasakyan.
“Guys, i-check out n’yo na kung may yellow basket. Sayang effort ni bessy ko,” ang nakakatawang caption ni Carlo.
Travel bardagulan
Maliban sa mga online bardagulan ay matutunghayan din ang mga nakakatawang tagpo sa kanilang mga travel livestream kamakailan lang sa South Korea.
Pruweba rito ay ang kanilang walang tigil na bangayan, takutan, at sisihan noong nag-ala ghostbusters ang grupo sa mga “haunted streets” sa nabanggit na bansa.
Watch the full video here:
Kayo mga kapitbahay, ano ang paborito niyong Carlo-Viviys bardagulan moments?