Naisahan ng Pinoy Grab driver na si Don Vertos TV si Mr. Rolando Cortez, ang ama ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez at General Manager ng VIYLine Group of Companies, sa isang “Korean Driver Prank.”
Si Don Vertos TV ay kasalukuyang mayroon 78.4K YouTube subscribers at kilala bilang driver na nagpapanggap bilang isang Koreano sa kanyang mga pasahero.
Kwentuhan bago ang sakuna
Habang hindi pa namumukhaan ang isa’t isa, nagkaroon ng kwentuhan patungkol sa mga sikat na vloggers sina Mr. Rolando Cortez, a.k.a. Papa Wow, at Don Vertos TV.
Nabanggit naman ni Papa Wow ang Team Payaman at ang kanyang sariling anak na pupuntahan sa isang event sa SM North EDSA.
“Actually, si Viy kasi, anak ko,” pag-amin ni Papa Wow.
Ikinagulat naman ito ni Don Vertos TV kung kaya tinanong niya kung kilala rin ni Mr. Cortez ang isang “Korean driver prankster.”
“Sikat din, napapanood ko ‘yun. Limot ko lang ang pangalan pero sikat na rin ‘yun,” sagot ni Papa Wow.
Laking tuwa naman nito nang mapagtantong ang kanyang katabi na mismo ang tinutukoy na “Korean driver prankster.”
Damay damay na ito!
Hindi naman nagpahuli si Papa Wow na kuntsabahin si Don Vertos TV upang idamay din sa prank ang kanyang mga empleyado sa VIYLine Media Group (VMG), kagaya ng kanyang assistant at VMG OIC na si Tin Piamonte at driver na si Armin Arandia.
Sa pamamagitan ng phone call, nagkunwari si Papa Wow na humingi ng tulong upang mas magkaintindihan sila ng “Koreanong driver” patungo sa destinasyon.
Napuno naman ng tawanan ang sasakyan nang nabuking ni Kuya Armin si Don Vertos TV sapagkat aniya’y idol niya ito.
“Napapanood ko ‘yan sir eh,” natatawang sinabi ni Kuya Armin.
Reaksyon ng netizens
Hindi naman naitago ng mga netizens ang tuwa sa naging biglaang kolaborasyon ng dalawa.
@ulzfaderonchannel253: “Malupet ‘yung na-prank ay nangprank din”
@djmichaelvlogtv3766: “Kulit ng daddy ni Viy, tawang tawa eh”
Watch the full vlog here: