Dudut’s Kitchen Features Doc Alvin-Approved Recipes Good for the Health

Inimbita ng Team Payaman resident cook na si Jaime De Guzman, a.k.a. Dudut Lang, sa kanyang YouTube segment na Dudut’s Kitchen ang doctor-vlogger na si Dr. Alvin Francisco upang magluto ng mga pagkain na pwedeng ihain sa may sakit o pasyente sa hospital.

Alamin kung anu-ano nga ba ang mga masarap na luto ng pagkain ang Doc Alvin-approved. 

Doctor-Approved Food Recipes

Para sa episode na ito ng Dudut’s Kitchen, ibinahagi ni Dudut na naghanda siya ng tatlong klase ng putahe para sa main course, appetizer, at dessert.

Fresh Vietnamese spring roll 

Para sa appetizer, suhestiyon ni Dudut ay ang fresh Vietnamese spring roll. Para sa kanya, ito ay isang light meal lang na swak para sa mga naghahanap ng pagkain na wala masyadong lasa. Aniya, ang pinaka nagpalabas ng lasa ng putaheng ito ay ang gagamiting sawsawan.

Dagdag naman ni Doc Alvin, ang hipon na sahog sa putahe na ito ay magandang pinagkukunan ng protina sapagkat ito ay pagkaing “high in protein” at “low in fat.”

Hainanese Chicken Rice  

Para sa main course, ang inihanda naman nina Dudut at Doc Alvin ay Hainanese Chicken Rice. Ani Dudut, para lang itong pinasosyal na Tinola at ang pinaka importante sa putahe na ito ay ang thigh part ng manok na aniya ay pinakamalasa. 

Ang mga sawsawan naman nito ay binubuo sa tamang sukat ng asim, alat, at freshness.

Vanilla Pudding

Vanilla pudding naman ang suhestiyon ni Dudut para sa panghimagas. Ito ay nangangailangan lang ng mga sangkap na: egg yolk, cornstarch, asukal, at full cream milk na ani Doc Alvin ay mataas sa Vitamin D at mabisang pampatibay ng buto. 

Maaring gumamit ng fresh and sliced strawberry o blueberry bilang healthy toppings nito.

Habang nagluluto ay pinag-usapan naman ng dalawa ang propesyon ni Doc Alvin at ang pagkahumaling ni Dudut sa pagluluto na aniya ay therapeutic hobby para sa kanya.

Iba ang lasa ng pagkain kapag ‘yung mga kumain ay ‘yung mga nakaka-appreciate. Kaya sobrang saya ng feeling kong nakakapagluto sa mga taong mahahalaga sa akin,” ani Dudut.

Ang mensahe naman ni Dudut para sa mga gustong matutong magluto: “‘Wag lang kayo matakot sumubok”.

Watch the full vlog here:

Likes:
0 0
Views:
342
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *