Pag-uwi mula sa family reunion sa Claveria, Cagayan ay lumuwas muli ang Pamilya Velasquez papuntang Davao upang ipagdiwang naman ang ikalawang anibersaryo ng mag-asawang Vien Iligan-Velasquez at Junnie Boy.
Ipinasilip ni Vien sa kanyang bagong AdVIENture vlog, ang lugar na tinuluyan nila sa Davao kasama ang kanyang mga magulang na nagdiriwang din ng anibersaryo.
Baby No. 3?
Biro ng mag-asawa, ang Davao trip ay kanila ring honeymoon upang sundan ang panganay na si Mavi at bunsong anak na si Viela.
Nang tanungin ni Vien kung handa na ba ang kanyang asawa para sa pangatlong anak: “Hindi. Mahirap ang buhay,” ang sagot sa kanya ni Junnie.
Paliwanag naman ng asawa, napagkasunduan na nilang dalawa na ipagpahinga si Vien ng apat na taon na natural lang para sa mga inang nanganganak via caesarean operation.
“Nag-usap kaming dalawa na kung susundan man namin si Viela, strictly 30 years old ako,” ani ng 27-anyos na mommy vlogger.
Maganda rin anila ang agwat ng edad ng dalawang anak kung saan napapansin nila ang kalambingan at pag-aalaga ng panganay bilang kuya sa kanilang bunsong babae.
Marriage tips
Sa gitna ng diskusyon patungkol sa pagiging magandang ehemplo bilang magulang sa kanilang mga anak, nagbahagi rin ang mag-asawa ng ilan pang sikreto upang mas tumibay ang isang relasyon.
Kahit may ilang mga simpleng pagtatalo, kwento ng dalawa ay hindi sila nagmumurahan at nagsasakitan lalo sa harap ng kanilang mga anak.
Ginagamit din nila ang mga bakasyon upang mas palakasin at pagandahin ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng core memories kasama ang buong pamilya.
“Hindi lang ito core memories natin, core memories ng mga bata,” ani Vien.
Para rin sa kanila, ang pagbuo ng magandang memorya ay hindi kailangan palaging magarbo kundi maari nang gawin sa simpleng pamamaraan kagaya ng swimming, camping, foodtrip, o coffee date.
“Maggawa kayo ng magagandang memores n’yo para meron kayong something na panghahawakan ‘pag ‘yung mga panahon na mahirap na intindihin ang isa’t isa,” payo ni Junnie.
Watch the full vlog here: