Luxe Slim CEO Anna Magkawas Reveals Rhinoplasty Journey in a New YouTube Video

Ibinahagi ng Luxe Beauty and Wellness CEO na si Anna Magkawas ang mga pinagdaanan nito sa kanyang Rhinoplasty surgery sa isang bagong YouTube vlog.

Rhinoplasty Operation

Ibinahagi ni Anna na kasabay ng selebrasyon ng International Women’s Day noong March 8, 2024 ay nakatakda rin siyang magpa-ayos ng ilong. 

Kwento ng 36-anyos na vlogger at entrepreneur, inabot ng halos anim na oras ang kanyang operasyon sa Belo Medical Plaza sa Makati City at nakauwi siya ala una na ng madaling araw kinabukasan.

Matapos ang operasyon, ibinahagi ni Anna ang mga kaganapan sa pitong araw na paghilom ng kanyang bagong ilong – bago ang susunod na nakatakdang appointment sa doctor para tanggalin ang kanyang nose cast.

Sa unang araw, ipinakita ni Anna kung paano n’ya ipinaliwanag ang isinagawang operasyon at mga benda sa mukha sa kanyang mga anak na sila Chanel, MK, at MJ.

Noong ikalawang araw naman, kasabay ng unti-unting pamamaga ng mukha at kinuwento ni Anna kung bakit hindi niya itinuloy ang balak din sanang Chin Augmentation. 

Sa limang araw na bawal maligo at tanging wipes na lang ang kasangga sa paglilinis ng mukha, buhok, at katawan, kinuwento ni Anna na halos hindi na siya lumalabas ng bahay at maging ng kwarto. 

Bagamat hindi na rin aniya siya nakikipagkita sa staff sa kanyang kumpanya, tuloy pa rin ang trabaho sa pamamagitan ng online meetings. 

Samantala, nag-iwan naman si Anna ng mensahe para sa mga katulad n’ya na naghihintay lang ng sign para ituloy ang planong magpa-Rhinoplasty: “Kung sa tingin ko mas maboboost ko ‘yung self-confidence ko, kayo ganyan, gawin natin, basta buo ‘yung loob.”

Sa isang Facebook reel, nagpasalamat din si Anna sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya sa desisyon na magpagawa ng ilong na pinagisipan at pinaghandaan niya ng halos isang taon. 

It’s a big decision for me, and I know this will help me improve my self-confidence.

Masaya naman daw si Anna sa kanyang desisyon at kasalukuyang healing journey, kung kaya hinikayat din nito ang kanyang fans na abangan ang grand reveal ng bagong ilong sa part 2 ng kanyang rhinoplasty journey vlog.

Watch the full vlog here:


viyline.net

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.